^

Pang Movies

Descendants… nina Dingdong at Jennylyn huhusgahan na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Descendants� nina Dingdong at Jennylyn huhusgahan na!
Dingdong at Jennylyn

Tonight na ang world premiere ng Pinoy version ng Descendants of the Sun. Matagal nang nakuha ng GMA Network ang rights nito mula sa Korean Broadcasting System (KBS), noon pang 2016, matapos ipalabas dito sa bansa ng network. Ipinalabas din ito sa ibang bansa sa mundo, kaya nga talagang minahal ito ng televiewers.

Matagal din itong pinaghandaan ng GMA Network, dahil lahat ng gagawin nila sa Pinoy version ay dapat may approval ng KBS. Si Director Dominic Zapata and his group of writers ang nasa likod nito.

Then ang pa-audition sa mga artistang pwedeng gumanap sa maraming characters na bubuo sa serye. Then ang location na gagamitin nila na hawig sa napanood sa Korean version. And then ang training ng mga gaganap na sundalo, sa pangunguna ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na bubuo ng Alpha Team na kabilang sina Rocco Nacino, Jon Lucas, Prince Clemente at Lucho Ayala. Kabilang din sa military team si Jasmine Curtis Smith, at ang medical team na pangungunahan ni Jennylyn Mercado, na nag-training din sa V. Luna Medical Center.

Kaya si Jennylyn, nang makausap sa mediacon, sabi niya, “Sana kahit papaano maipakita namin sa teleserye kung ano ang core ng existence nating mga Pilipino, na i-remind namin sa mga manonood na mahalaga pa rin ang pagmamahal at pag-unawa natin sa ating kapwa.”

Ayon naman kay Dingdong, “Iyong magawa naming kahawig ng eksena but different ang presentation; iyong mas maipakita namin ang bawat character sa teleserye batay sa pagganap ng original actors. Makikita nila rito ang difference mula sa original drama ng South Korea na in-approve naman nila.”

Ang iba pang bubuo sa cast ay sina Jenzel Angeles, Marina Benipayo, Neil Ryan Sese, Nicole Donesa, Pancho Magno, Paul Salas, Reese Tuazon, Renz Fernandez, Ian Ignacio, Andre Paras, Antonio Aquitania, Cha­riz Solomon, Hailey Mendes, Roi Vinzon, Carlo Gonzalez, Ricardo Cepeda and a cast of hundreds.

Magsisimulang mapanood ngayong gabi ang Descendants of the Sun Ph. sa ganap na 8:30 PM sa Primetime Telebabad pagkatapos ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Maine at Vic nabiktima ng fake news

May nag-tweet last Friday, February 7, mula raw sa GMA Star Creatives, “Daddy’s Gurl, Ang pagtatapos! Hey, The Finale Daddy-Daddy.” Pinatulan ng director ng Daddy’s Gurl na si Chris Martinez ang nag-post ng fake news.

“Kung sino man ang nagpakalat ng maling balitang ito – tubuan ka sana ng kurikong sa mukha mo. (with smiley emojis).”

Fake nga dahil wala namang GMA Star Creatives account. At hindi naman totoong tsugi na ang high-rating sitcom nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza.

vuukle comment

DESCENDANTS OF THE SUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with