^

Pang Movies

MMFF simula na ang rambulan

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
MMFF simula na ang rambulan

Ngayong araw na ang pinakahihintay na opening day ng 45th Metro Manila Film Festival.

Magkakaalaman na kung anong pelikula ang pipilahan at mangungulelat.

Obvious naman kung ano ang mga kikita base sa pattern sa mga nakaraang MMFF pero we never know baka magkaroon ng changes sa mga manonood.

Dasal lang ng marami na ‘wag naman umabot sa Manila ang bagyong Ursula para makapanood ang marami though ang sabi ng NDRRMC, lalakas ang ulan ngayong araw.

Tatlo ang potential box office pero hindi pa rin puwedeng hulaan kung ‘yun na ba talaga ang kikita.

Asian TV Awards sa pilipinas gaganapin!

Sa bansa pala gaganapin ang 24th Asian TV Awards sa January 10, 2020.

Balitang more than 300 delegates ang dara­ting sa Pilipinas para sa tatlong araw na event.

At ang magiging host, ang actor na si Mark Neumann with Cathy Young of ANC, Thai actress Ase Wang and Wallace Ang, kilalang media personality sa Singapore.

Bongga si Mark na tinalbugan ang ibang mga kilalang actor / host.

Nauna nang naging host ng Asian TV Awards si Alden Richards.

Kasama sa nominees this year sina Martin del Rosario (Born Beautiful) and Julie Ann San Jose (Barangay 143).

vuukle comment

MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with