^

Pang Movies

Camille ngayon lang uli nagkaroon ng endorsement

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Camille ngayon lang uli nagkaroon ng endorsement
Camille

May bago palang project na pagtatambalan sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, at makakasama muli nila si Pauline Mendoza.  Matatandaan na magkakasama na silang tatlo sa Kambal-Karibal noon kung saan gumanap na kambal sina Bianca at Pauline, si Pauline ang kakambal ni Bianca na naging multo.

Si Pauline ang nagbalita sa media launch nila ng mga kasama rin niyang GMA Artists na kinuhang Beautederm Ambassadors ni Mr. Rhea Tan ng Beautederm Corporation. 

Kasama ni Pauline sina Camille Pratts na masaya na for the first time raw ay may endorsement siya para sa kanyang sarili, simula raw nang magkaasawa siya, ang mga endorsements niya ay kasama ang mga anak niya. May offer na rin daw siya na bagong teleserye sa GMA Network, pero humingi pa siya ng extension ng bakasyon dahil four months pa lamang ang bunso niyang si Nolan.

Biniro naman sa mediacon sina Ken Chan at Rita Daniela kung wala pa raw something sa kanila dahil very sweet sila lagi sa isa’t isa, sa One of the Baes at as Journey Hosts sa singing contest na The Clash. Mas okey daw sila as friends at baka kung haluan nila ng personal, masira pa ang friendship nila.

Happy naman sa sunud-sunod na blessings si Sanya Lopez dahil after maging 2020 Calendar Girl, kinuha siyang Beautederm Ambassador ni Ms. Rhea.  Nagpasalamat din si Sanya na kahit hindi nakasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang movie nilang Isa Pang Bahaghari, nagkaroon siya ng chance ma makatrabaho ang mga movie icons na sina Ms. Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa. 

Ipalalabas na ang Isa Pang Bahaghari simula sa December 4, 2019, bago ang MMFF 2019.

Mga beauty products ng Beautederm ang nakatakdang i-endorse ng GMA Artists Ambassadors at makakasama rin sila ni Ms. Rhea Tan sa mga mall shows sa iba’t ibang lugar.

Tirso, Edgar at Boyet abala sa US shows

Nakausap namin si Lynn Cruz, wife ni Tirso Cruz III, at nalaman naming paalis sila ngayong Monday, November 11 for Los Angeles, California, para sa series of US shows doon ng magkakaibigang Tirso, Edgar Mortiz at Christopher de Leon.  Kasama nila ni Tirso ang mga anak nilang sina Bodie at Djanin. Susunod naman bukas, Tuesday, si Boyet with wife Sandy Andolong at si Edgar Mortiz and his son Calin.

Titled Timeless...Through the Years, ang shows nila ay magsisimula sa November 15 sa Los Angeles; November 16, San Francisco; November 17, San Diego, California at sa November 22, New York.

Sa New York na nila gugunitain nila ang first death anniversary ng panganay nilang si TJ na yumao noong November 21, 2018.

Mauunang bumalik si Tirso sa November 28 dahil aatend naman siya ng Asian TV Awards (ATA) sa December 5, sa Singapore.   Nominated siya as Best Supporting Actor for The General’s Daughter.  Kasama rin si Tirso sa Panel of Artists na magsasalita roon.  Tatagal ang ATA hanggang December 7.

Maiiwan pa sina Boyet at Sandy para makapiling ang mga anak nilang sina Miguel at Gabriel na may family na roon.

vuukle comment

CAMILLE PRATTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with