^

Pang Movies

Star Awards for TV tagumpay!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ang bilis ng panahon! Tapos na agad ang 33rd PMPC Star Awards for TV na ginanap kahapon lang sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila, Quezon City.

Sina Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Robi Domingo, at Enchong Dee ang mga nagsilbing host sa nasabing event.

Nagbigay ng tribute ang PMPC sa mga yumaong icon na sina Eddie Garcia at Gina Lopez. Si Kris Aquino naman ang tumanggap ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award at si Vicky Morales naman sa Lifetime Achievement Award in Broadcasting.

Nangharana ng magagandang songs sina Christian Bautista at Erik Santos with PHD Dancers sa teleserye queens.

Ang producer ng Airtime Marketing ay si Tess Celestino mula sa direction ni Bert de Leon.

Congratulations sa winners at sa Philippine Movie Press Club under the president Sandy ES Mariano.

Alden may bubuksan uling negosyo  

Another Alden Richards news, alam naman ninyo na masyadong ratsada ang career ngayon ng Golden Boy na ito. Nariyan ang movie, TV series sa GMA-7 na siyang nagpasiklab sa kanya, mantakin mo na kabilaan ang iba’t ibang produkto niya bilang endorser.

Pero mas na-shocked ako sa balitang nasagap ko, the latest kung totoo ito.

Bukod kasi sa ilang fast food chain na pagmamay-ari niya sa Laguna, nakuha na rin daw niya ang rights ng malaking dating grocery with snuck place sa bukana ng Golden City Sta. Rosa Laguna. Hangang ngayon talk of the town ito lalo na ang mga tricycle driver sa bubuksang negosyo ni Alden.

Sabi ng mga nanay sa aming lugar, siguro raw napakasarap magkaroon ng anak na tulad ni Alden dahil milyones ang kita. Naman!

vuukle comment

PMPC STAR AWARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with