^

Pang Movies

Ogie nilasing ang BF ni Leila!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ogie nilasing ang BF ni Leila!
Leila Alcasid

Twenty-two yrs. old na rin ang eldest daughter ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid kaya naman binibigyan na niya ito ng freedom to do what she wants.

“Siya na ang nagbabayad ng bills niya, she has her own account, she pays for her bills,” sabi ni Ogie nang makatsikahan namin last Tuesday sa isang intimate press lunch para sa kanyang upcoming concert titled Ogie and the Hurados.

Wala raw siyang ipinagbabawal dahil mismong si Leila na ang nagbibigay ng limitasyon sa sarili at alam naman daw nito ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin.

“She doesn’t sleep over, no one can sleep in our house,” sey pa ni Ogie.

May boyfriend na rin si Leila, ang rapper na si Mito Fabie (a.k.a. Curtismith), at okay naman kay Ogie ang relasyon ng dalawa.

“I like him, he’s tall,” natawa niyang sambit.

“He’s a good influence to Leila, that’s what I like about him. Eh si Leila ngayon, puro negos­yo ang iniisip. Saan daw siya mag-i-invest,” dagdag ng singer/songwriter.

Hindi naiilang sa kanya si Mito?

“No, I drink with him. Like one night sabi ko, ‘asa’n boyfriend mo?’ ‘Andu’n po sa. . .’ ‘sabihin mo, inom kami.’ Uminom kami ng scotch, eh mahina pala uminom,” natatawang kwento ni Ogie.

Nalasing daw si Mito kaya kinakantyawan namin si Ogie na sinadya niyang lasingin ang boyfriend ng anak.

Samantala, konsepto ni Ogie ang temang The Ogie and the Hurados concert na gaganapin sa Oct. 10 sa Newport Performing Arts Theater in Resorts World Manila kasama ang mga fellow Hurados sa It’s Showtime’s TNT (Tawag ng Tanghalan) na sina Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, Karla Estrada, K Brosas, Karylle, Jed Madela and Rey Valera.

Almost sold out na ang tickets at may repeat concert na raw sila na gaganapin sa Nov. 8.

Mapapanood din si Ogie ngayong Sabado sa special episode ng Maalaala Mo Kaya na first guesting niya sa nasabing drama anthology. Napasabak sa drama ang singer/songwriter kung saan ay ginagampanan niya ang papel ng isang puppeteer na dumanas ng mga hirap sa buhay.

Maine aware na hindi gusto ng fans si Carlo

Aware naman si Maine Mendoza na talagang may fans na hindi pabor sa pairing nila ni Carlo Aquino sa pelikulang Isa Pa with Feelings lalo pa nga’t napakalaki ng following ng loveteam nila ni Alden Richards.

“Parang given naman po na parang meron talagang as in group of people from the fandom na hindi matutuwa sa bagong pairing.

“Pero nandito na ‘to, eh. Parte talaga siya rito sa mundo ng showbiz na hindi pwedeng ‘yun at ‘yun lang ang makakatrabaho mo. And feeling ko, eventually, maiintindihan din nila na it’s a chance for the artist to grow and to explore,” sabi ni Maine.

Pero nagpapasalamat naman daw siya sa mga sumusuporta sa tambalan nila ni Carlo and in fact, napakarami na nga raw block screenings na naka-schedule sponsored by the fans.

“Sobrang nagpapasalamat po ako sa kanila kasi the last time I checked, siguro a week or two weeks ago yata na parang nasa 60 na ‘yung block screening na ginawa ng fans, so sobrang thankful po ako kasi, wala pa man din, kahit hindi pa man nare-release ang trailer nu’n, wala pang nare-release, talagang nag-abala na sila sa block screening,” sabi ni Maine.

Ever since raw ay ganu’n talaga katindi ang suporta ng fans niya sa kanya kaya naman sobrang thankful daw niya.

Thankful din si Carlo sa kanyang Carloholics na lagi raw nandiyan para suportahan ang lahat ng kanyang proyekto kahit sino pa ang kapareha niya.

vuukle comment

LEILA ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with