^

Pang Movies

Melanie at Derek Dee matagal naging magkaaway!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Melanie at Derek Dee matagal naging magkaaway!
Melanie Marquez

Noong maghiwalay sina Melanie Marquez at Derek Dee, nagpalitan sila ng maaanghang na salita. Natatandaan ko na madalas na bisita noon si Melanie sa mga talk show dahil nagpapainterbyu siya tungkol sa away nila ni Derek at ng nanay nito.

Pero ginagamot ng panahon ang lahat ng sugat dahil magkasundo na ngayon sina Derek at Melanie na may dalawang anak na babae.

Sinuportahan ng ex-couple ang Miss World Philippines 2019 candidacy ng kanilang anak na si Michelle Dee at hindi naman nasayang ang mga sakripisyo nila.

Si Michelle ang nag-win ng Miss World Philippines 2019 crown at siya ang official representative ng Pilipinas sa Miss World na idaraos sa London sa December 2019.

Magiging busy na si Michelle sa training niya kaya malamang na hindi muna siya tumanggap ng mga television at movie assignment.

Ang sabi ng mga beauty pageant expert, malaki ang tsansa ni Michelle na mapansin sa international beauty pageant na sasalihan niya dahil bukod sa matangkad at maganda, matalino at oozing siya with self-confidence.

I’m sure, hindi nagkulang si Melanie sa pagbibigay ng tips sa kanyang anak bilang nagsimula rin sa pagsali sa mga beauty pageant ang career niya.

Si Melanie ang nanalo na Miss International noong 1979 at after 40-years, ang kanyang anak naman ang na­ging beauty queen.

Hindi lamang international beauty queen si Melanie dahil former super model din siya. Naging cover girl si Melanie ng mga sikat na fashion magazine tulad ng Vogue, Elle at marami pang iba.

Pinanood nina Melanie at Derek ang coronation night ng Miss World Philippines sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo.

Delayed telecast ang coverage ng GMA-7 kaya bago pa ang announcement ng winners, alam na ng mga tao ang resulta dahil sa mga social media post.

Isabelle de Leon humamig sa Q & A

Nanalo rin sa Miss World Philippines ang dating child actress na si Isabelle de Leon na gumanap na kapatid ni Jiro Manio sa Magnifico.

Si Isabelle ang nagwagi ng Miss Multinational Philippines title at walang nagprotesta sa kanyang tagumpay dahil bongga ang sagot niya sa question and answer portion.

Magaganda at matatalino ang lahat ng mga kandidata ng Miss World Philippines pero walo lang ang puwedeng manalo. Hindi dapat mawalan ng hope ang mga talunan dahil may tsansa pa sila na manalo sa ibang mga beauty pageant.

Panti… extended!

Hindi beauty queen si Martin del Rosario pero winner din siya noong Sunday night. Si Martin ang best actor ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino dahil sa kanyang gay role sa The Panti Sisters.

Siyempre, tuwang-tuwa si Martin sa best actor trophy na natanggap niya. Sino ang mag-aakala na mananalo siya na best actor para sa isang gay role?

Nakadagdag sa happiness ni Martin ang pagiging top-grosser ng The Panti Sisters sa Pista ng Pelikulang Pilipino kaya siguradong extended ang showing sa mga sinehan ng pelikula nila nina Paolo Ballesteros at Christian Bables.

Mga misis na gustong makatipid, nag-aabang na ng sale!

First time pala sa history ng UltraMega Supermarket na magkakaroon din sila ng Sunday Sale Bonanza sa October 6.

Dati-rati, tuwing Friday at Saturday lang ang sale bonanza ng UltraMega Supermarket.

Pero may Sunday sale bonanza na dapat na samantalahin ng lahat, lalo na ng mga misis na gustong makatipid. Sumugod na kayo sa October 6 sa PICC from 9 am  to 6 pm.

vuukle comment

MELANIE MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with