^

Pang Movies

Binyag ni Baby Ziggy hindi pinabongga nina Marian at Dingdong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Binyag ni Baby Ziggy hindi pinabongga nina Marian at Dingdong

“Welcome to the Christian World mahal. Te quiero mucho Mi Hijo! #SalamatAmaSaBiyayaAt Pagpapala,” post ni Kapuso Primetime Queen sa kanyang Instagram na umani ng libu-libong likes at comments, pagkatapos ng binyag ni Ziggy.

Simple baptismal ceremony lamang ang ginawa ng mag-asawang Dingdong at Marian Dantes sa kanilang second child, si Jose Sixto Gracia Dantes IV. Maliban sa name ng nagbinyag na pari, si Fr. Tito Caluag, na personal friend din ng mag-asawa, hindi na rin binanggit kung saang church ginanap ang binyagan last Sunday, July 28.

Ilan sa mga ninong at ninang, sina Kuya Kim Atienza, Ana Feleo, Bambi Fuentes, sa mga taga-showbiz na nakilala namin sa naka-post na photo.

At tiyak na sure na rin ang pagsisimula ng taping ni Dingdong ng bago niyang action-drama series na Descendants of the Sun dahil bago na ang haircut niya, na isu-shoot nila sa isang military camp sa Nueva Ecija.

Kaya si Marian wala nang gagawing bagong tele­serye sa GMA Network, maliban sa pagho-host niya ng OFW docu-drama na Tadhana dahil hindi ito uubos ng mahabang oras sa taping. Bukod kasi sa pag-aalaga kay Sixto or Ziggy, hatid-sundo rin ni Marian ang pangangay na si Zia sa school nito.

Eat Bulaga may sekretong pasabog!

Ano kaya ang pasabog ng longest-running noontitme show na Eat Bulaga sa pagsi-celebrate nila today ng kanilang 40th anniversary? Unang napanood sa ere ang EB noong July 30, 1979 at tulad nga ng ipinakita nilang teaser last week, nakapag-perform na sila sa iba’t ibang malalaking lugar here and abroad. Pero balitang next month nila gagawin ang malalaking celebration, kung saan at exact date ng celebration, sekreto pa.

Lovely hindi makakalimutan ang kabaitan ni Kathryn

Nagkaiyakan pala ang female cast ng Hello, Love, Goodbye sa last mall show nila last Sunday, July 28, sa Ayala Malls, Circuit Makati. Ilang mall shows din kasi ang nagawa nila for one month, two mall shows lagi every Saturday at Sunday, kaya naman nagkaroon ng closeness sina Kathryn Bernardo, Maymay Entrata, Kakai Bautista at Lovely Abella.

 Si Lovely nga na isang Kapuso, hindi raw niya malilimutan kung gaano kabait at very accommodating si Kath, to think na first time lamang nilang nagkasama.

Mamayang gabi, ang red carpet premiere night ng Hello, Love, Goodbye na dinirek ni Cathy Garcia-Molina, sa Cinema 3 ng SM Megamall, 7:00 p.m. Dadaluhan din daw ito ng ibang mga Kapamilya at Kapuso stars.

vuukle comment

MARIAN DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with