^

Pang Movies

Kim naging sariwa nang humiwalay sa BF

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kim naging sariwa nang humiwalay sa BF
Kim Domingo

Extra-beautiful si Kim Domingo nang humarap sa mediacon ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang suspense-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Kaya natanong agad si Kim kung totoong hiwalay na sila ng boyfriend niya of three years, ang PBA player na si Mike Acuña.“Yes, po, one month na akong single,” sagot ni Kim. “At gusto ko lamang pong linawin na walang third party involved sa break-up namin.”

Sa showbiz ngayon, issue kung may nobyo ka, at mahaba ang buhok mo, tapos bigla kang magbabago ng hair-cut or hair style. Eh, bago ang hair style ni Kim na  shoulder-length dati ay mahaba ang buhok niya. “Nag-try po lamang ako, gusto ko namang iba-ibang hairstyle. Basta ngayon po, happy ako at siya man happy rin, we’re in good terms, friends pa rin kami. Work muna ang hinaharap ko ngayon dahil maganda ang role na ibinigay sa akin ng GMA sa bago naming serye,” sabi na wig lang ang maiksing buhok.

“Dito, ako po si Katya, best friend at cousin ko si Yvie, na ginagampanan ni Megan Young.  Conservative ang role ko, pero magkakaroon ng twist ang character ko, hindi ko pa po pwedeng sabihin kung ano ang twist, natuwa ako kasi gusto ko ang magiging bago kong character.”

Directed by Joron Lee Monroy, sa July 22 na ang worldwide premiere ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko Mondays to Saturdays, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Jessy pinaglalaruan ang buhok

In contrast naman si Jessy Mendiola, dahil nagpabago na naman siya ng hairstyle and color ng hair. From blonde hair, ash blonde na ang hair niya na mas maikli kaysa dati. 

Sino pa ba ang unang magkakagusto ng bago niyang hair kundi ang boyfriend na si Luis Manzano.

Comment naman ni @cherriebargayo I have noticed that you love playing with your hair and making bold changes. But by far this hairstyle is the perfect one for you. You look feisty yet sweet.  May nagsabi namang naging mukha siyang action star. Ang iba naman gagayahin daw nila ang gupit at color ng buhok ni @senyorita_jessy.

Pinoy champs lalarga na sa WCOPA

Paalis na today, July 10, ang Philippine delegation para sa 23rd Annual World Championships of Performing Arts or WCOPA, the only World Talent Olympics at ginaganap annually in and around Hollywood, California, USA. Homegrown Filipino talents are given the chance to participate in this global competition through dancing, singing, modelling, instruments, acting and variety arts.

From 3,000 applicants na nag-audition last November 2018, 400 ang nakapasa pero 106 lamang ang naka-complete ng rigorous requirements and trainings. Simula noong 2005 na sumali ang Pilipinas, ilan sa na-produce na World Champions ay sina Jed Madela (solo vocalist) in 2005, the Cercado or Golayan Sisters (group vocalist) at si Jonalyn Viray in 2006. Taun-taon ay may mga umuuwing champion ng WCOPA.

“Once said... we will no longer be performing for ourselves but for our country the Philippines and our people!” – Raymond Gorospe, WCOPA Philippine Officer.

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with