^

Pang Movies

Comeback ni Coleen may basbas ni Billy

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Comeback ni Coleen may basbas ni Billy
Coleen at Billy

Choice ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford ang hindi muna magka-anak. Married sila for almost a year pa lamang.

Coleen has Billy’s permission na mag-continue sa kanyang showbiz career lalo na sa kanyang pagi­ging aktres.

Kamakailan lang ay pumirma si Coleen ng contract with Viva Artists Agency, headed by Viva Entertainment’s big boss, Vic del Rosario’s daughter, Veronique Corpus.

Chokoleit sobrang masayahin, ‘di halatang may iniinda

How sad ang gumising sa aming malungkot na balita Salve A., bina­wian na ng buhay ang komedyanteng si Chokoleit o Jonathan Aguilar Garcia sa totoong buhay.

Three weeks ago na ata noon nang mapanood namin ang huling guesting ni Chokoleit sa programa ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice. Nakikipagkulitan pa siya noon sa occasional co-host niyang si Negi na regular na rin sa GGV.

Sa sobrang pagiging masiyahin, hindi mo iisiping may iniinda palang sakit si Chokoleit.

Ayon sa reports, she was perfor­ming daw with a big crowd sa Abra nang biglaan na lang na sumikip ang kanyang dibdib. Dali-dali siyang dinala sa backstage at pina-inom ng tubig.

You know Salve A., I had the chance na ma-interview si Cho­ko­leit noong baguhan pa lamang siya sa showbiz, kaya napag-alaman kong dati pala siyang nagtatrabaho sa beauty parlor. Siya ang naka-assigned sa hair and make-up, then he became a performer sa isang comedy bar kung saan niya na nakilala at naging kaibigan si Vice. At doon na nagsimula ang kanyang career bilang comedy performer.

May you rest in peace, Chokoleit.

PBB housemates na nagtukaan walang alam sa ginawa!

Marami ang excited na malaman kung ano nga ba ang kapalarang naghihintay tambalang LouDre nina Lou Yanong at Andre Brouillette sa loob ng bahay ni Kuya sa programan Pinoy Big Brother: Otso.

Ayon sa dalawa, nang mang­yari ang eskandalong ikinabigla ng mga tao sa outside world, ang kanilang halikan at yakapan habang sila ay nag-iinuman kasama ang iba pa nilang housemates, hindi raw sila aware rito. Obviously dahil sila nga ay lasing daw.

Pagkatapos naman ng nangyari, humingi ng pasensya ang dalawa sa viewers na labis na nag-react sa kanilang ginawa.

Now, who’s to blame for what happened? Sina Lou ba at Andre o si Kuya?

Kuya, pakisagot.

Direk FM at Rita magtatapatan!

Magkasabay pala ang airing ng bagong serye ng Kapamilya na Nang Ngumiti Ang Langit at serye ng Kapuso na Hiram Na Anak.

What is special about these two teleserye is that ang nasabing serye sa Kapamilya ay si Direk FM Reyes ang nagdirek, habang ang nasa cast naman ng Hiram Na Anak ang asawa niyang si Rita Avila.

Robin at Karylle kailangan ni Zia

Kamakailan lang ay umamin ang anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia Quizon na meron siyang mental disorder na Body Dysmorphic Disorder o BDD.

Wonder if ano ang naging reaksyon ng boyfriend niyang si Robin Nievera at sister na si Karylle?

Ang boyfriend niyang si Robin ay isa ring musician, anak siya nina Pops Fernandez at Martin Nievera, ang ate naman niyang si Karylle ay kapatid niya lang sa ina. Dentist ang tatay ni Karylle na si Modesto Tatlonghari.

Wala pang anak hanggang ngayon si Karylle na ikinasal noong 2014 sa band vocalist na Spongecola na si Yael Yuzon.

vuukle comment

COLEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with