^

Pang Movies

Lauren bina-bash sa pa-blind item kay Janella

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Lauren bina-bash sa pa-blind item kay Janella

Inuulan ng bashing ngayon si Lauren Young dahil doon sa kanyang statement na “someone’s lying”.

 

Hindi naman niya sinabi na ang nagsisinungaling ay si Janella Salvador, pero sinabi niyang maayos ang naging relasyon at split nila noon ni Elmo Magalona. Sinabi rin niyang hindi naman kasi siya sinaktan ni Elmo, at hindi magagawa iyon ng kahit na sino sa kanya.

Siguro nga wala naman siyang masamang intensiyon sa kanyang sinabi pero hindi naging maganda iyon sa pandinig ng fans ni Janella, kaya ayun ang inabot niya. In fairness hindi naman pinatulan ni Janella ang kanyang comment. Kahit na sabihin mong hindi kumikita ang mga pelikula ni Janella, at least siya ang bida. Si Lauren, supporting star lang naman.

Makikita mo rin naman ang interests. Hindi maaaring magsalita nang hindi maganda si Lauren laban kay Elmo dahil inamin naman niya na ang manager niya ay ang nanay noon at naikukuha naman siya ng magagandang projects. Puwede bang hindi niya kampihan si Elmo, e di na-freezer siya.

Basta talaga humarap ka sa press, nangyayari iyan dahil marami ang naghahanap ng controversy. Kahit nga wala sa ayos, basta magiging kontrobersiyal susubukan nila kung kakagat ka. Nasa artista naman iyon kung papatol sila o hindi. Iyang kagaya niyan, isa ang issue na yan sa hindi na dapat pinatulan niyang si Lauren Young, hindi sana siya na-bash.

At saka iyong linyang “someone’s lying”, medyo masama talaga ang dating noon, dahil ang sinundan noon ay ang statement niyang siya ay hindi sinaktan ni Elmo noong kanilang panahon.

Kung hindi nagawa sa kanya iyon, hindi naman siguro nangangahulugang nagsisinungaling si Janella. Hindi rin naman namin sinasabi ngayong talagang sinaktan ni Elmo ang dati niyang girlfriend, pero mas mabuti nga siguro kung naiwan na lang ang ganoong usapan.

Kesa sa hindi gaanong kilala Anne mas bagay na leading man si Gerald!

Nagising kami isang umaga na ang bumulaga sa amin sa telebisyon sina Anne Curtis at Gerald Anderson. Akala namin trailer na ng isang action movie, iyon pala commercial lang ng kotse.

Pero naisip nga namin, kung bibigyan ng ganung role si Anne, at aayusan siya na kagaya noong dati na inilalabas ang ganda niya, aba eh palagay namin makakabawi sa kanyang career si Anne. Talaga namang maganda siya eh, at okay sa action. Kailangan nga lang piliin kung anong klaseng action picture ang gagawin niya.

Kung iyong tipong action na may glamour kagaya ng ginagawa sa Lara Croft, aba eh tiyak na lusot si Anne, lalo na’t hindi na makagawa nang ganoon ngayon si Angel Locsin dahil sa kanyang problema sa spinal column.

Kung itatambal din si Anne kay Gerald Anderson, mukhang bagay sila, hindi iyong kung sinu-sino lang ang ginagawa nilang leading man ni Anne.

Aktres na reynang-reyna noon, iniwanan na ng pamilya baon pa sa utang ngayon

Kawawa rin ang isang dating sikat na female star. Noong kanyang panahon parang reyna rin ang kanyang buhay, at pinagkakaguluhan siya ng mga movie writer na bilib sa kanya. Ngayon wala na siyang pelikula, marami na ring utang at iniwan na rin siya ng kanyang mga anak. Hiniwalayan na rin siya ng kanyang asawa na maaari sanang magsalba sa kalagayan niya ngayon. Kasi noon naman ang akala niya wala na siyang katapusan kaya pati ang asawa niya ‘tinarantado” niya.

Papaano na kaya siya mabubuhay ngayong laos na siya?

vuukle comment

LAUREN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with