^

Pang Movies

Mariel malapit nang makilalang singer

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Mariel malapit nang makilalang singer

Definitely ay hindi makakapanood ng concert ni Ogie Alcasid ang kanyang asawa na si Asia’s Songbird Regine Velasquez dahil may concert din ito sa mismong araw ng Valentine’s day.

 

Iisa lang ng araw ang concert nilang ito, kung si Regine ay ka-join force si Vice Ganda sa The Songbird And The Songhorse, si Ogie naman ay guests sina Mariel de Leon, Lara Maigue at Tanya Manalang o mas kilala bilang The Ryan Cayabyab Singers, sa concert niyang Masters Of Love. Manonood naman sa audience ang non-showbiz boyfriend ni Mariel na si Eric Luz.

Pagkatapos ng nasabing concert, hindi na kilala si Mariel bilang isang beauty queen, kung hindi isa na ring singer. Determinado kasi siya na makilala sa larangang ito.

Walang dudang anak nga siya ni Christopher de Leon at pamangkin ni Pinky de Leon na ngayon ay nakatira na sa U.S. kasama ang sariling pamilya, dahil kumakanta rin ang mga ito.

Gaganapin ang concert nila sa Newport Perfor­ming Arts Theater, Resorts World Manila with no less than national artist for music, Mr. Ryan Cayabyab as musical director.

Samantala, ang concert naman nina Regine at Vice Ganda ay scheduled for three days. February 13, 14 and 15 sa Araneta Coliseum. Nangako naman si Ogie na manonood siya sa huling araw nito.

Pagkawala ng Elise sa mga sinehan, ikinalungkot 

Sad Salve A., dahil ang inaasahang papatok sa takilyang movie nina Enchong Dee at Janine Gutierrez na Elise ay kinailangang i-pull out agad sa mga sinehan dahil ‘di raw umabot sa target ang kinita nito, which no doubt, proved a big disappointment. Hindi lang kina Enchong at Janine, kung hindi pati na rin sa direktor na si Joel Ferrer and Regal Entertainment na siyang nag-produced ng nasabing pelikula.

In fairness, magaganda naman ang reviews tung­kol sa pelikula ayon sa ilang mga nakapanood ng movie.

Binanggit lahat ng members ng cast ng Elise, maski mga extra lang ay contributed para maging magandang pano­orin ito.

Samantala, exceptional na mapananood sa isang palabas na magkasama sina Jackie Lou Blanco and her singer actress mom na si Pilita Corales. In the movie, they played the mother and lola ni Enchong.

In real life, tita at lola ni Janine ang dalawang aktres, kapatid ni Jackie Lou ang tatay niya na si Ramon Christopher at anak naman ito ni Pilita.

Elise earned an A rating from Cinema Evaluation Board (CEB) which means that the movie is a good one.

Bong sure na ang pagbalik sa pelikula

Did we hear it right na ang unang pelikulang gagawin ni former Senator Bong Revilla once na prepared na siyang mag-shooting muli will be for Star Cinema?

Matatandaang ang first film ever na ini-release ng Star Cinema noon when it joined the produ­cing game in 1993 was a Bong Revilla starrer, titled Adan Ronquillo na idinirek ni Joel del Rosario.

At the moment however, mukhang hindi sa kanyang pagbabalik-pelikula naka-focus ang atensiyon ni Bong, bagama’t sinisiguro naman niyang magbabalik-pelikula siya bago matapos ang 2019.

Right now kasi ay nakatutok siya sa kanyang political career. Common knowledge naman na siya ngayon ay tumatakbong muli for senator sa May 2019 elections.

As of now, base sa mga survey, malaki ang pag-asa ni Bong na mananalong muli.

Wish naman ng kanyang mga tagasuporta namapabilang ang kanyang pangalan sa top four na mananalo.

“Ipagdarasal namin ito,” susog pa ng isa sa kanyang mga supporter. “Tanging si Sen. Bong lang ang alam nating maipaglalaban tayo sa kahirapan at sa marami pang bagay na ‘di kanais-nais na nararanasan natin ngayon.”

vuukle comment

MARIEL DE LEON

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with