^

Pang Movies

Kapuso stars rarampa sa Cebu!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kapuso stars rarampa sa Cebu!

Ang saya-saya at puno ng Kapuso stars ang Cebu sa pagdiriwang nila ng Sinulog Festival 2019. Pa­ngungunahan ito nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

 

Noon pang Friday, nasa Gaisano Grand Mall Jai Alai Cebu City sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz, mga bida ng Kara Mia kasama sina Jak Roberto at Paul Salas. Sinamahan na rin sila roon nina Kyline Alcantara at Therese Malvar ng Inagaw Na Bituin at pagkatapos ay tumuloy na sila for another show sa Ayala Center Cebu.

Ngayong Saturday, January 19, nasa Gaisano Grand Fiesta Mall Tabunok in Talisay City sina Dingdong at Dennis na sasamahan nina Solenn Heussaff at Sanya Lopez. Tutuloy na sila sa Robinson’s Galleria for a Kapuso Fiesta at 6pm. At bukas, January 20, sama-sama silang apat to board the Kapuso Float and tour the major streets of Cebu City para sa Sinulog Grand Parade.

Idagdag pa rito sina Alden Richards para sa McDoPh at si Maine Mendoza para sa Eat Bulaga’s Miss Millennial Philippines. Mauuna si Alden ngayong Saturday at si Maine naman bukas, January 20.

Ruru hinimatay sa harap ni Maine

Every Saturday evening, iba-iba na ang nagiging male guest ni Maine sa sitcom nila ni Vic Sotto na Daddy’s Gurl. From the director, Chris Martinez, ang nagpaalaala na welcome sa sitcom na mag-guest ang loveteam o hindi na Kapuso actors. 

The past weeks, naging guests na sina Jak Ro­berto, Andrei Paras, ang reel-and real love team na sina Megan Young at Mikael Daez.

Tonight, magiging special guest si Ruru Madrid, at sa trailer pa lamang, maiintriga na kung bakit hinimatay sa harap ni Stacy (Maine) si Anton (Ruru). Bakit kaya, eh sabi ay isa siyang hunk model na nakasabay ni Stacy sa elevator.

Iyon pala, si hunk model, claustrophobic o takot na makulong sa isang maliit at madilim na lugar. Eh yun nga, na-trap sila sa loob ng elevator, nainitan si Ruru kaya naghubad siya ng pang-itaas niyang suot. Ayun, hinimatay pa sa takot, kaya sino pa ba ang sasalo sa kanya kundi si Stacy na siya lamang niyang kasama sa loob ng elevator. Paano kaya makakahingi ng tulong si Stacy para kay Ruru?

Dagdag pa ni Direk Chris: “What we can only promise is to bring out the best in  comedy from Bossing Vic, Maine and the rest of the cast. Salamat sa tuluy-tuloy ninyong pagtutok sa Daddy’s Gurl every Saturday evening, after ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

Harapan ng mga senador tututukan!

Nangangamoy na ang mga paghaharap-harap ng mga kandidato para sa Eleksyon 2019 para ipakilala ang mga sarili nila sa mga mamamayang boboto sa kanila at sisimulan na ito sa pamamagitan ng Debate 2019: The GMA Senatorial Face-Off.

Inaasahang maghaharap-harap dito ang nangu­ngunang senatorial hopefuls upang ipaalam sa publiko ang kanilang plataporma maging ang kanilang posisyon sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng bansa ngayon. Abangan ito simula sa February 9, 2019.

vuukle comment

KAPUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with