^

Pang Movies

Aktor na produkto ng reality show, mas gustong magpagarahe sa crazy rich beki!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Open na raw ang ang aktor na ito na produkto ng isang reality competition show na magkaroon ng gay financier para hindi na raw siya napupuyat sa kakatrabaho sa teleserye.

Magpapaabuso na lang daw siya sa isang crazy rich beki kesa sa mapagod siya sa kakahintay sa set ng teleserye hanggang madaling-araw.

Marami pa raw gustong gawin sa buhay ang aktor at marami raw nasasayang na oras sa matagalang paghihintay sa set ng teleserye na kinabibilangan niya.

Kinuwenta nga raw ng aktor ang mga oras na nasasayang sa three times a day na taping niya.

Kung gagamitin daw niya ang mga nasayang na oras na iyon sa isang negosyo na gusto niya, malamang daw kumikita na raw siya.

Kaso hindi raw niya ito masimulan dahil may commitment siya sa ginagawa niyang teleserye.

Grateful naman daw ang aktor sa mga binibigay na trabaho sa kanya ng TV network. Malaking tulong din daw sa pamilya niya ang pagkakasama niya sa teleserye.

Kaya raw sa isang pakikipag-inuman ng aktor sa mga kaibigan nito, nagtanong ito kung sino sa kanila ang may alam na bading na gusto siyang alagaan at igarahe para hindi na raw siya napupuyat sa set at makapagsimula na siya sa negosyo na car dealership.

Pinagdiinan ng aktor na hindi siya nagbibiro. Willing siyang maging “kept man” ng isang mayamang bading para magagawa na niya ang mga gusto niya at hindi siya nakatali sa tatlong buwang pagte-taping sa teleserye.

Nag-suggest nga raw ang isang kaibigan ng aktor na lapitan niya ang isang co-star niya sa teleserye dahil marami raw itong kontaks sa mga beki na gustong manggarahe ng mga boylet na tulad niya. Dati rin daw kasing ginarahe ito ng isang rich beki.

Napapanood pa rin naman ang aktor sa kanyang teleserye at mukhang wala pa yata itong nahahanap na beki na willing na sustentuhan siya.

“Ever since talaga kumakanta na ako, naggi­gitara na ako, tapos until nag-high school ako and college, banda naman, kanta rin, so into music din talaga.”

Paisa-isang song lang daw muna ang gagawin na songs ni Jeric.

“In the future siguro kapag nakabuo na kami ng mga five to six songs or mas marami pa.

“Pero for now, gusto kasi namin, isa-isa lang muna para maganda ‘yung song tapos focus talaga, and then more ‘collabs’ muna siguro.”

Youngest self made billionaire, reynang-reyna sa kalendaryo

Reynang-reyna ang reality star-turned-cosmetics mogul na si Kylie Jenner sa kanyang 2019 calendar na ni-launch niya via KylieJennerShop.com website nitong nakaraang Black Friday, November 24.

Makikita sa calendar ang 12 exclusive new photos at isang poster. Ito ang nakalagay na description:

“Kylie is wearing a figure hugging gold tank mini-dress holding a crown to the top of her head, resting upon her gorgeous blonde hair that’s styled in an old-school Hollywood glam flip-bob that sits above her shoulders.

“It resembles the jewel encrusted Imperial State headpiece worn by Queen Elizabeth II,  as it’s the same shape with the white fur with black spots at the bottom but the sides are more open and feature diamonds or some kind of crystals going up to the top centerpiece.

“The Kylie Cosmetics founder is wearing a rose matte lip, matching blush and shaded brown shadow.”

Tamang-tama lang daw para sa 21-year old TV star-turned-businesswoman ang theme ng kanyang calendar dahil tinatawag na siyang Queen ng kanyang cosmetics empire at tinawag na “youngest ever self made billionaire” ng Forbes magazine.

 

vuukle comment

REALITY SHOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with