^

Pang Movies

Singer-actress tsugi sa show, dalawang sasakyan ang utang!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

May haharaping financial problem ang singer-actress (SA) na ito kapag hindi agad nakakuha ng bagong show. Paano naman, kumuha raw ng dalawang sasakyan si SA nang mapasok sa isang top rating show, hulugan ang dalawang sasakyan at umasa siguro si SA na pang matagalan ang labas niya sa show.

 

Kaso, pinatay na ang karakter niya at ibig sabihin nito, tigil na rin ang regular income niya. Wala na siyang tatanggaping talent fee sa mga darating na buwan, paano na ang monthly hulog ni SA sa dalawang sasakyan. Unless, mabigyan uli siya ng shows kapalit ng show na kung saan, pinatay na ang karakter niya.

Kung bakit dalawa ang kinuhang sasakyan ni SA, ang feeling ng mga kakilala nito, baka ginamit din sa business. Puwedeng pinapa-rent o baka naman ipinasok sa Transport Network Vehicle Services (TNVS) at kung ito ang ginawa ni SA, hindi siya mahihirapang maghulog buwan-buwan sa kinuhang dalawang sasakyan.

Jason pinatay na agad sa Asawa ko…

Nagtapos na ang labas ni Jason Abalos sa Asawa Ko, Karibal Ko, pinatay na ang karakter niya sa episode kahapon nang sumabog ang sasakyan nitong yate. May panawagan ang fans ng aktor sa GMA-7 na bigyan nila ng soap si Jason na mas mahaba ang exposure at hindi lang special guest dahil sa mahusay na acting sa Asawa Ko, Karibal Ko.

vuukle comment

SINGER-ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with