^

Pang Movies

Xian sumumpang hindi maninigaw ‘pag naging direktor

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Xian sumumpang hindi maninigaw �pag naging direktor
Xian Lim

Kapag direktor na si Xian Lim, hangga’t maaari ay iiwasan daw niyang manigaw tulad ng ibang direktor.

“Maybe ang hindi ko magagawa is manigaw. Kasi, hindi ko naman personality. Pero hindi ko lang alam kung nandu’n na ako. . .di ba, ang da­ming pwedeng mangyari, eh.

“So, ayokong magsalita ng tapos. Baka kailanganin, di ba?” natatawang sabi ni Xian.

Na-experience na ba niyang sigaw-sigawan ng direktor?

“Ay sobra! Sobra! Lagi!” natatawa pa ring sabi ni Xian.

Sino ang peg niya sa pagiging direktor?

“Kasi ang pinaka-gusto kong mga type of director ay katulad ni Edgar Wright, sa Hollywood. Gusto ko ‘yung mga estilo ng mga films niya.”

Sa local naman daw, ang masasabi lang niyang kialla niyang trabaho ay ‘yung mga nakatrabaho niya.

“’Yun ang mga kilala ko at ‘yun ang mga natatanong ko na “pa’no ba ‘to?” So, it would be direk Joyce (Bernal) and direk Mae (Czarina Cruz).”

Si Binibining Joyce ay pangatlong beses nang nakatrabaho ni Xian at ang huli nga ay itong Miss Granny with Sarah Geronimo and James Reid na ipalalabas na ngayong August 22.

Excited na si Xian na simulan ang first directorial job niya for Cinemalaya Film Festival 2019. Wala pa raw title ang movie, at nasa proseso na sila ng pagka-casting ng mga artista.

Barangay 143 mainit na tinanggap

Mainit na tinanggap ng advertisers ang ina­abangang first Filipino anime series na Barangay 143 sa ginanap na trade launch nito kamakailan.

Kumpleto para makisaya ang lead voice actors nito na sina Ruru Madrid, Migo Adecer, Kelley Day, at Julie Anne San Jose pati na rin sina Edu Manzano, Pinky Amador, Jaime Fabregas, Cheska Kramer, Doug Kramer, Kendra Kra­mer, Archie Alemania, Kimpoy Feliciano, Roadfil Macasero, at Gary Lim. Present din ang producer at managing director ng Synergy88 Entertainment Media Inc. na si Jackeline Chua.

Hindi nagpahuli sa pasabog ang naturang anime show dahil bukod sa star-studded event, namigay din ito ng pasabog na prizes sa mga bisita tulad ng trip to Korea, brand new motorcycle at isang brand new car.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ng fans ang pagdating ng Barangay 143 at kanya kanya ng haka haka ang netizens sa magi­ging timeslot at magiging takbo ng kwento nito. Maging international publications tulad ng WorldScreen, C21Media, at Prensario ay updated din sa nalalapit na Philippine television milestone na ito.

Makakasama din sa voice cast sina Cherie Gil, John Arcilla, Sylvia Sanchez, Alice Dixson, Teresa Loyzaga, Pen Medina, Benjie Paras, Paolo Contis, Ping Medina, at Jerald Napoles habang si Gloc 9 at Dea naman ang kumanta ng official theme song nito.

Bukod sa anime series, abala din ang Barangay 143 sa 3 on 3 Celebrity Challenge and Mini Concert nito na umiikot sa mga bara-barangay. Last Sa­turday (Aug 18) ay nagpunta sila sa Brgy. Sta. Ana sa Taguig City kasama sina Wendell Ramos, Arthur Solinap, Paul Salas, Raven Molina, Kirst Viray, Migz Haleco, Agsunta, Dea, at Gloc 9.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with