^

Pang Movies

McCoy at Elisse minulto sa Baguio!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
McCoy at Elisse minulto sa Baguio!
McCoy at Elisse

Naantala ang shooting ng pelikula nina McCoy de Leon at Elisse Joson dahil sa kakaibang experience nila habang nagsu-shooting sa Baguio City dahil minulto raw sila, huh!

Ayaw na lang ikuwento ng staff ng produksyon ang detalye nang karanasan ng stars, staff and crew habang nagsu-shoot sa isang lugar sa Baguio, huh! Tutal naman, wala ring naging reklamo kina McCoy at Elisse sa naganap sa kanila.

Saad ng isang staff, palung-palu raw ang kilig moments ng magka-loveteam kaya naman ang director nila si JP Habac ay kuntentung-kuntento sa ipinagawa niya sa dalawa. Si Habac ang nagdirek ng pelikulang I’m Drunk, I Love You.

Wala pang title ang launching film ng McLisse loveteam pero garantisadong kakaiba raw ito sa mga millennial rom-com movies na usong-uso sa local mo­vies.

Joross at EA pahinga muna sa baklaan, mga barako sa bagong pelikula

Magsasagupa naman ang beshies noon sa pelikulang Dedma Walking na sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman dahil kapwa kalahok ang magkahiwalay nilang pelikula sa gaganaping Cine Filipino Film Festival.

Bida si EA sa indie movie na Mata Tapang mula sa direksyon ni Rod Marmol habang si Joross ang lead actor sa movie na Mga Mister ni Rosario na mula sa direksyon ni Alpha Habon.

Pero kung mujerista (read: bading) sila sa Deadma Walking, barakung-barako naman ang mga charater nila. Isang sundalo si EA habang lead actor na mahilig sa method acting ang role ni Joross.

Kung exciting ang roles ng dalawa, mas exciting ang pag-amin ng mga director nila na lovers sila ng walong taon, huh! Silang dalawa raw ang latest directorial team after Jun Lana at Perci Intalan, huh!

Pag-amin nila, nakatira sila isang bahay kaya kung sakaling isa sa kanila ang manalo ng best director award, sa isang bahay lang naman ‘yon maididispley, huh!

Ang isa pang movie na kalahok sa nasabing festival ay ang Delia & Sammy na bida sina Rosemarie Gil, Jaime Fabregas at Nico Antonio mula sa direksyon ni Therese Cayaba.

vuukle comment

MCCOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with