^

Pang Movies

Nadia hindi natanggihan si Shaina

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Nadia hindi natanggihan si Shaina
Nadia Montenegro at Shaina Magdayao

Ang dahilan daw ni Nadia Montenegro kaya siya agad pumayag na mag-shooting sa Single/Single: Love Is Not Enough kahit one day lang, ay dahil iyon sa extra closeness nila ni Shaina Magdayao.

Bilang ina ni Shaina ang ginampanan niyang role sa nasabing pelikula.

Hindi raw niya kasi mapahindian si Shaina, na ang turing niya na rin ay parang anak, since nagkatrabaho na rin naman daw sila noon bilang mag-nanay rin sa seryeng The Better-half at ang bait daw kasi nito.

Single/Single… ay currently showing in theaters nationwide, na pinagbibidahahn nina Shaina and Matteo Guidicilli for the first time. A co-produced movie of Cinema One and The Philippine Star at Star Cinema ang nag-released.

Dinirek ito ni Veronica Velasco at Pablo Biglang-awa.

Noong kabataan ni Nadia bilang Regal baby, isa siya sa mga may pinakamagandang mukha sa showbiz, ganundin ang kanyang pagiging sexy lalo na noong bago pa ito tumuntong sa edad na 20. Napakaraming young actors ang nagkandarapa at nanligaw sa kanya noon pero mas pinili niyang mahalin at pakasalan si former Caloocan City Mayor, the late Macario Asistio, father ng kanyang mga anak, kabilang na ang occasional actress na si Ynna Asistio.

Ynna di nagsalita sa pagiging playgirl 

Si Ynna ngayon ay busy sa kanilang online catering business na doing very well naman, on leave raw muna siya sa showbiz para tulungan ang kanyang Mommy Nadia. May ilang properties pa raw kasi na naiwanan ang kanilang ama, na kailangang mai-dispose.

Since siya lang daw ang hindi gaanong busy sa kanilang magkakapatid, na ang mga iba ay nag-aaral pa, nag-decide siya to help her mom.

Alam n’yo ba na bago siya naging talent ng Star Magic ay naging Kapuso muna siya?

Batang-bata pa siya noon at naging sila ni Mark Herras, now, of course, older na rin tulad niya.

In his earlier days din sa ABS-CBN, na-link siya kay Derek Ramsey at napagbintangan pang siya ang dahilan kung bakit nag-break noon sina Derek at Cristine Reyes.

Natawa si Ynna, nang tanungin namin if she would consider herself a playgirl in her younger days.

She chose not to answer our question.

Maricel ayaw mabiktima ng fake news

Kung bakit ayaw ni Maricel Soriano na maging active sa social media, iyon ay dahil she wants to think and act positive all the time. From the way it looks nga naman, sobra-sobra ang kini-create na controversies ng social media. Na karaniwang ‘di naman totoo.

Right now, busy si Maricel with her showbiz work at hel­ping sa promotions ng malapit na ipalabas niyang pelikulang My 2 Mommies, she is preparing for the start of her taping for the series, The General’s daughter, kasama sina Angel Locsin and Arjo Atayde. It’s her first time to work with  both of them.

May gagawin pang movie muli si Maricel with Eric Quizon as director.

Kasal nina Jessy at Luis may blessing na ni Ate Vi

Lipa Representative Vilma Santos-Recto thinks it’s really about time na mag-aasawa na ang kanyang panganay na si Luis Manzano, who turned 37 on his last birthday, April 21.

Ganunpaman, she will let him and Jessy Mendiola, na kasintahan ng kanyang anak na mag-decide kung kailan sila magse-settle down.

Obvious naman na si Jessy ang ‘di pa handang magpakasal, lalo pa at maganda ang nakukuha niyang feedback sa kanyang guesting sa FPJ’s Ang Probinsyano, where in most scenes, he is seen with actor Coco Martin.

vuukle comment

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with