^

Pang Movies

Aktor kinaawaan, ‘di puwedeng umangal kahit batuk-batukan ng direktor!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Madalas paglaruan ng mga stunt director ang bidang aktor sa isang series. Palibhasa may pagkaaksyon ang role ng aktor kaya hindi pa masyadong bihasa sa acting routines.

‘Pag hindi agad nakukuha ng aktor ang routine na ipinagagawa sa kanya, may konting batok at kantiyaw na natitikman ang aktor. Hindi naman daw umaangal ang aktor sa ginagawa sa kanya.

‘Yun nga lang, may moments na napapalakas ang batok sa kanya pero wala pa rin siyang angal, huh! Kaya ‘yung mga stunt directors, palihim na pinagtatawanan siya!

‘Black’ people sa background iniintriga, Billy at Coleen inalmahan sa ginawang photoshoot sa Ethiopia

Marami pang humanga sa photo shoot ng engaged couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa Ethiopia, may netizens din namang umalma.

Sigaw ng ilang netizens, bakit kai­langang gawing background sa pictorial ang “black” people?

‘Yan din ang naging isyu kay Bela Padilla kahapon sa Twitter. Matatan­daang sa isang magazine cover ng aktres may mga kasama siyang “black” girls sa background. Sa tweet ni Bela, hu­mingi na siya ng apology tungkol sa cover at nakiusap siyang i-pull out ang ilang issues nito.

‘Yun nga lang, ayaw pa rin siyang tigilan ng netizens. Kaya sa isang tweet ni Bela, heto ang inilagay niya:

“Sudden Sunday thought: When people apologize to me, and I decide to accept the apology...I try my best not to hold their mistake against them anymore. Because that fear of you possibly bringing it up again, cripples a person and hinders them from growing and loving again.”

Isa pang anak ni Dolphy kailangan ng dasal

Nanawagan ang dating Liberty Boys member na si Edgar Mande sa kanyang Facebook upang ipagdasal ang isa sa mga anak ni Dolphy na si Rolly Quizon na kasaluku­yang nasa ospital ngayon.

“Sa lahat po ng mga Kapatid natin sa Mundo ng Showbiz, mga Kaibigan, sa FB, kamag anak ko at mga Kabarkada ko at kababayan ko sa Pilipinas at sa buong Mundo, nakikiusap po ako na tulong tulong po nating ipagdasal si Brother Rolly Quizon na nasa Hospital ngayon. Maraming maraming salamat po. God bless us all,” post ni Edgar.

Nakilala sa mundo ng telebis­yon si Rolly nang gumanap siya bilang isa sa anak ni Dolphy sa defunct sitcom na John En Marsha. Lumabas siyang kapatid ni Maricel Soriano.

Pagdating sa pelikula, tumatak ang pangalan niya nang makapareha si Vilma Santos sa festival movie na Burlesk Queen kung saan nanalo siya ng acting award.

Matatandaang kamakailan lamang ay namatay ang isa sa anak ng Comedy King.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with