^

Pang Movies

Kilalang showbiz couple isinisikreto ang paghihiwalay!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matagal nang bulung-bulungan ang diumano’y tahimik na paghihiwalay ng isang showbiz couple.

Matagal na raw hindi nakikita ng mga kaibigan ang showbiz couple na magkasama. May sarili kasing trabahong inaasikaso si mister at tuwing tinatanong daw ito kung nasaan si misis, sinasabi lang nito na busy din.

Napag-alaman ng source namin na mag-aapat na buwan na palang wala sa bansa ang misis ni aktor.

May mga TV show na gustong kunin ang misis ng aktor, pero kapag nakakausap daw ang manager nito ngayon, sinasabing out-of-the-country ito at wala silang alam kung kelan babalik.

Tsine-check naman ng aming source ang social media accounts ng aktres at tunay ngang nasa ibang bansa ito. Palipat-lipat ito ng pinupuntahan at kasama ay mga kaibigan.

Nagtataka lang ang aming source kung bakit kailangan gano’n katagal ang bakasyon ng aktres. Sino ang nag-aasikaso ng mga anak nila? At sino rin kaya ang nag-aasikaso sa mister nito?

“Okey lang siguro na one week or two weeks kang magbakasyon, ‘di ba? Pero ‘yung four months, parang may kung ano’ng nangyayari na.

“Kasi may mga anak ka at may asawa ka. Okey lang na magliwaliw ka kung single ka. Pero may pamilya ka, eh. Sino nag-aasikaso sa kanila?

“Hindi ba siya natatakot na sa tagal niyang wala, eh biglang may mabalingan ang mister niya na ibang babae?

“Kaya nakakapagtaka lang. Kung sila pa ng aktor, dapat nandito na siya. Pero wala siya, eh. Kahit manager niya, hindi alam kung kelan siya babalik.”

Hanggang sa may nasagap na nga ang source namin na nagkakalabuan na ang pagsasama ng dalawa. Natsismis na ito noon, pero pinawalang-totoo nila. Mukhang totohanan na ito kaya nag-fly abroad ang misis ni aktor.

Balita rin na may sariling condo unit na raw si misis sa may Taguig. Mas madalas daw ito nandoon kesa sa umuwi sa kanilang malapalasyong bahay.

Dominic Roco tinantanan na ang pagiging party boy

Kahit 27 years old na si Dominic Roco ay sa bahay pa rin ng kanyang mommy siya umuuwi pati na ang kanyang kakambal na si Felix Roco.

Kung tutuusin,  puwede na raw kumuha si Dominic ng sarili niyang condo unit dahil malaki-laki na ang kanyang naipon. Pero mas pinili nila ng kanyang kambal na sa bahay pa rin ng nanay umuwi.

“Wala na kasing makakasama ang mommy namin.

“Call us mama’s boys, pero okey lang. We’re proud to be with our mom sa bahay.

“Kaming tatlo na lang minsan nasa house at okey naman kami. We’re happy na magkakasama pa rin kami.

“Hindi ko maisip na maiwan ang mommy ko na mag-isa sa bahay namin,” diin pa ni Dominic.

Malaki na raw ang pinagbago ni Dominic. Tumigil na raw siya sa pagpunta sa mga club. Tumigil na rin daw ito sa pag-inom. In short, healthy living na raw siya ngayon.

“I guess dumarating sa buhay ng isang tao na magsasawa ka na rin.

“Napagdaanan ko na ang pagiging party boy. Tapos na ako diyan. After work, I just go home, be with my mom and rest.

“Mahirap na rin kasi na makita ka sa mga lugar na maraming tao. People will give you that impression na hindi maganda. Kaya good boy po tayo,” ngiti pa niya.

Bukod sa bagong teleserye na Destined To Be Yours, pinuri ang performance ni Dominic sa pelikulang I’m Drunk, I Love You bilang gay best friend ni Maja Salvador.

Nagulat na nga lang daw si Dominic sa mga magagandang papuri sa kanya ng netizens sa social media.

“I had fun playing the role of Jason in that movie. Hindi ko ini-expect na maraming makaka-relate at magkakagusto sa pagganap ko. Thank you for all the positive reviews!” pagtatapos ni Dominic.

Super Bowl performance ni Lady Gaga humamig na ng 150 million views!

Ang Super Bowl 51 Halftime Show ni Lady Gaga noong nakaraang February 5 ang hinirang na “most-watched musical event and the most-watched Super Bowl halftime performance of all time via broadcast and digital channels”.

Higit kumulang na 118 million viewers ang tumutok sa halftime show na ito ni Lady Gaga at tinalo ang mga performances nina Madonna, Katy Perry, Bruno Mars, at Beyoncé.

An estimated 150 million views ang nakuha nito sa NFL’s digital platforms, including NFL.com, NFL Mobile, Twitter, YouTube, and Giphy.

“We were thrilled to collaborate with Lady Gaga — one of the most talented and versatile performers in the world,” ayon pa kay Mark Quenzel, NFL Network’s SVP of programming and production.

Hanggang noong nakaraang February 17, ang 13-minute Super Bowl performance ni Gaga ay na-view na for 25 million times on the NFL’s YouTube channel.

In-upload din ito ng 30-year-old pop icon sa kanyang YouTube channel at nakakuha ito ng 3.2 million plays.

During the live telecast, 2.2 million real tweets using the #PepsiHalftime show hashtag were posted. Roughly 5.1 million tweets regarding Gaga’s act were shared in the first 10 minutes after the telecast.

Sa Facebook naman, more than 49 million video views and over 5 million reactions, comments, and shares.

Pati na ang latest album ni Gaga na Joanne ay umangat from #66 to #2 on the Billboard 200.

vuukle comment

DOMINIC ROCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with