^

Pang Movies

Maya at Ser Chief magpapakilig uli

Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaking selebrasyon ang handog ng Jeepney TV sa ika-apat nitong anibersaryo sa pagpapalabas nito ng phenomenal hit show Be Careful With My Heart na siguradong pakakaabangan ng mga manonood ngayong buwan ng Oktubre.

Muling matuwa at kiligin sa kuwento ng pag-iibigan ng biyudong businessman na si Ser Chief (Richard Yap) at ng yaya-turned-flight attendant na si Maya (Jodi Sta. Maria) simula ngayong October 17.

Mas magkakaroon din ng pagkakataon na makilala ng fans ang Icon of the Month at International Emmy’s Best Actress nominee na si Jodi sa BTS: Jodi Sta. Maria na mapapanood naman ngayong October 30.

Muli ring bibida sa telebisyon ang seryeng Nathaniel na pinagbibidahan ng child star na si Marco Masa kasama sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Coney Reyes na mag-uumpisa ngayong October 24 at ang Galema: Anak ni Zuma na pinagbibidahan naman nina Andi Eigenmann at Matteo Guidicelli na ipalalabas naman ngayong October 23.

Simula naman October 17, mapapanood na rin sa Jeepney TV ang romantic Koreanovela na The Princess Hours. Makikipagsabayan din ang groundbreaking U.S. hit series na Jane the Virgin na mapapanood naman tuwing Biyernes ng gabi.

Samantala, mapupuno ng aksyon ang hapon ng mga manonood tuwing Sabado dahil mu­ling sasabak sa telebisyon ang mga seryeng Dugong Buhay na pinagbibidahan ni Ejay Falcon at ang Lastikman na pina­ngungunahan naman ni Vhong Navarro. Tuluy-tuloy din ang aksyon hanggang gabi sa pagdating ng Koreanovela hit na Blood at ng Pasada Astig, kung saan matutunghayan ang mga tinutukan at pinakapaboritong action movies noon.

Balikan ang mga masasayang tagpo ng mga pinakapaboritong palabas sa Jeepney TV na mapapanood sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.

vuukle comment

JEEPNEY TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with