^

Pang Movies

Jericho at Jennylyn may lampungan

Jun Nardo - Pang-masa

Sumabak sa love scenes si Jericho Rosales sa MMFF entry na Walang Forever. Eh, bihirang makipaglampungan ang award-winning actor sa pelikula kaya naman isa ito sa highlights ng entry ng Quantum Films.

“It’s more on longing ‘yung love scene namin ni Jen (Jennylyn Mercado). Hindi pang-halimawan! Ha! Ha! Ha! Passionate!” panimula ni Jericho sa presscon ng movie sa Kuya J sa SM Megamall.

Isa raw ‘yon sa pasiklab ng movie dahil sa kuwento, matagal silang hindi nagkita ni Jen na iniwan niyang girlfriend.

“Saka inalagaan ako ni Jen! Ha! Ha! Ha!” deklara ng aktor.

Sabad naman ni Jen, “’Uy, okey ka lang?’ Ganoon! Hindi ka ba na-violate?’ Ha! Ha! Ha!”

“I felt so comfortable!” diin ni Echo.

Si Jen ba, hindi na-violate ni Echo?

“Ay, hindi po! Maalaga po si Echo. Maalalay! Gentleman siya pagdating sa mga eksena na ganoon! Hindi naman niya ako pinabayaan. Talagang, ‘Okey ka lang?’ May halikan din naman. Meron po siyempre! Ha! Ha! Ha!” rason ni Jen.

Komo nga blockbuster ang MMFF 2014 entry na English Only Please na pinagbidahan nina Jen at Derek Ramsay, inasahan na magkakaroon ito ng sequel this filmfest.

Pero ayon kay Atty. Joji Alonso at Direk Dan Villegas, tapos na raw ang istorya ng dalawang characters.

Pero sa WF, kakaiba ang presentasyon ng award-winning director dahil bukod sa mga eksena sa Taiwan at love scenes nina Jen at Echo, may mga surprise appearances ng mga kilalang love teams, huh!

Janella walang nagawa nang patamblingin at ibalibag sa Haunted Mansion

Lumabas ang pagiging propesyonal ni Janella Salvador sa last shooting day ng Haunted Mansion sa entry ng Regal sa MMFF.

May mga eksena kasing kailangan siyang ibalibag, mag-tumbling bilang bahagi ng isang eksena niya.

Siyempre, first time na gagawin ni Janella ang ganoong eksena.

Madalas kasing pa-sweet ang image niya. Kaso, ni-require ni Direk Jun Lana na kailangan siyang ihagis-hagis, huh!

Kinabahan nu’ng una si Janella. Kaya naman nang sabihin ni Direk Jun na, “Action!” pikit-mata niyang sinunod ang direksyon ni Jun.

Black and blue man ang nangyari sa katawan ng teen actress, tumanggap naman siya ng papuri mula kay Direk Jun.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DEREK RAMSAY

DIREK DAN VILLEGAS

DIREK JUN

DIREK JUN LANA

ENGLISH ONLY PLEASE

HAUNTED MANSION

JANELLA

JANELLA SALVADOR

JEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with