^

Pang Movies

Popoy at Basha hinihiritan ng sequel pa more

- Vinia Vivar - Pang-masa

Balitang may nakalaan nang separate projects para kina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz after A Second Chance. Pero hindi pa rin natin alam kung ano ang pwedeng mang­yari dahil sa napakalaking tagumpay na tinatamasa ngayon ng pelikula na in 10 days ay nakaka-P400-M na raw ang gross sa takilya ayon sa produksyon.

May mga humihiling ng sequel pa more at nang maitanong nga ito sa dalawang bida in their recent interview, pareho naman silang okay sa ideya.

Say nga ni Lloydie, nakakatuwa na parang nagiging totoong tao na tuloy sina Popoy at Basha (karakter nila ni Bea sa movie) at kung talaga raw gusto ng tao ng ikatlo pa, bakit naman daw hindi nila pagbibigyan?

Kahit nakakatatlong araw pa lang teaser ng pelikula nina Jennylyn at Echo, 2-M na ang views

Ini-release na ng Quantum Films ang trailer ng Walang Forever na entry to Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 starring Jennylyn Mercado and Jericho Rosales at naka-more than 2 million views agad ito sa Facebook in just 3 days.

Kahapon ay nag-last shooting day na ang pelikula na talaga naman daw binusisi ng producers ang script at naka-ilang revisions para lang mapaganda.

Nag-shoot pa sina Jen and Echo sa Taiwan para sa mahahalagang eksena at base sa trailer, mukha namang sulit ang lahat ng pagod nila dahil mukhang maganda ang movie na idinirihe ni Dan Villegas na matatandaang direktor din ng English Only, Please last year na na­ging blockbuster sa takilya at nagbigay kay Jen ng Best Actress award.

Maulit kaya ni Jen at ni Direk Dan ang success ng EOP last year dito sa Walang Forever?

Well, hopefully naman dahil ibang-iba naman daw ito sa EOP at mas maganda pa nga raw.

Pakialamerong bata?! Dahil sa make-up, Bimby iniyakan ang inang si Kris

Naawa naman kami kay Bimby Aquino sa picture niyang umiiyak na ipinost ng ina niyang si Kris Aquino. Ayon sa caption ng Queen Of All Media, ito raw ang reaksyon ng bagets nang makitang naka-make-up na naman siya at may shooting na naman.

“I was away shooting for 5 nights. This was Bimb’s reaction when he saw me being made up because I’m still shooting tonight & I told him it’s going to be an all nighter. All other working moms I’m sure can identify w/ how heartbreaking it is to be missed by our kids,” ang caption ni Kris.

Ang daming naka-relate na nanay sa post ni Kris, lalo na nga ang mga working moms.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay puspusan ang shooting ni Kris ng All You Need is Pag-ibig na MMFF entry ng Star Ci­nema kung saan ay kasama niya sina Derek Ramsay, Kim Chiu, Xian Lim, Jodi Sta. Maria and Ian Veneracion.

Kagagaling lang nga nila sa Palawan kung saan ay 5 days silang nag-shoot at say niya, ito ang pinakamatagal na nawalay siya sa kanyang dalawang anak.

Sherwin naniniwalang solid ang mga ebidensya ni SGP

Maging si Sherwin “Win” Gatchalian ay posi­ti­bo na hindi tuluyang madi-disqualify si Sen. Grace Poe as Presidential candidate ngayong 2016 elections.

Si Win ay tumatakbong Senador naman sa tiket ni Grace at aniya, pinag-aralan niya personally ang kaso ng kanyang Presidente.

“I also consulted my party (NPC), at pinag-usapan namin sa partido at sinigurado namin na bago gumawa ng desisyon ang partido ay alam namin ang mangyayari,” sabi ni Win.

“And we’re very confident, she will overcome this case. We’re very confident that she has enough grounds to win the case. Importante po kasi dito, ebi­densiya, eh. At nakita namin at pinag-aralan naming mabuti na solid ‘yung kanyang ebidensiya at malalampasan niya itong mga cases na ibinabato sa kanya,” dagdag pa ng Senatoriable.

vuukle comment

A SECOND CHANCE

ACIRC

ALL YOU NEED

ANG

BEA ALONZO

BEST ACTRESS

BIMBY AQUINO

DAN VILLEGAS

DEREK RAMSAY

NAMAN

WALANG FOREVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with