^

Pang Movies

AiAi atat nang mag-interview!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pinaka-excited si AiAi delas Alas kina J­oey de Leon at Lolita Solis as hosts ng bagong entertainment talk-comedy magazine show na Celebri-TV dahil first time niya itong magho-host ng talk show sa GMA 7 na punung-puno ng kulitan, tawanan at chikahan.

Siyempre pa may mga celebrity guests sila na iba raw ang interview nilang gagawin tulad kay Willie Revillame na first time na makaka-one on one interview ni Joey.

“Pero ako, iba ang segment ko, itsa-challenge ko ang guest ko,” sabi ni AiAi.

“Abangan ninyo ang first guest ko, si Alden Richard at ang challenge na gagawin ko sa kanya. Taping muna kami ngayong Thursday, dahil mahirap gawin ang challenge kung live. Siguro, kapag naayos na namin, kahit ang challenge, live na naming gagawin. Basta ako ayaw kong mag-interview ng mga artista lalo na kung may issue, kaya ipababahala ko iyon kina Joey at Nay Lolit.”

Medyo naging senti si Lolit  nang tanungin siya kung ano naramdaman niya na after 20 years, nawala ang Startalk na namaalam na noong Sabado, September 12?

“Siyempre nalungkot,” sagot ni Lolit.  “Kasi down ako noong katatapos lamang ng scam sa Manila Film Festival 20 years ago, nang i-offer sa akin ang show. Ang show ang bumuo sa akin, nagbait-baitan ako noon hanggang sa makabalik ako sa dati.”

Hindi naman nawalan ng trabaho ang staff nila dahil sila pa rin ang staff nila ngayon sa bagong talk show, bago lamang ang director nila, si Philip Lazaro.

At kasama rin nilang co-host at consultant ng show, si Ricky Lo, na magbibigay ng exclusive interview sa local at foreign celebrities.  Sa Saturday, September 19, ang pilot telecast ng show na mapapanood pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA 7.

Yaya Dub hindi natanggihan si Vic

Matagal ding hinintay ng AlDub fans ang sagot sa request nilang magtambal na sa movie sina Alden Richards at Yaya Dub nang si Alden pa lamang ang siguradong makakasama sa movie na My Bebe Luv.

Last Tuesday, after ng presscon ng Princess In The Palace ni Ryzza Mae Dizon, nakausap namin sina Mr. Tony Tuviera, na personal na nagha-handle sa career ni Maine at si Direk Mike Tuviera na siya ring director ng first morning serye ni Aiza at biro namin kay Mr. T, bibiguin ba niya si Vic na ibigay sa kanila ni AiAi si Yaya Maine.  Sagot niya, para na raw naming sinabing “oo na.”  Sinundan na ito ng post ni Direk Mike sa Twitter account niya na “Maine. MMFF 2015. Merry Christmas. AlDub Nation!!!”  Si Direk Joey, nag-post din ng picture nila ni Maine sa Instagram niya at comment na “Alam na!”

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARD

ALDEN RICHARDS

ANG

DIREK MIKE

DIREK MIKE TUVIERA

LAST TUESDAY

LOLIT

LOLITA SOLIS

NBSP

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with