^

Pang Movies

Ryan Rems nire-request itambal kay Alex Gonzaga?!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Iisa ang suggestion sa pagkikita nina Alex Gonzaga at Ryan Rems Sarita na i-remake nila ang movie na Pido Dida. Si Ryan ay sumikat sa Funny One segment ng It’s Showtime at unang winner ng nasabing contest na muling nagpasikat ng line na ‘Alright, rock and roll to the world!’

Ang pelikulang Pido Dida ay pinagsamahan noon nina Kris Aquino at ang nasirang komed­yante na si Rene Requiestas. Kahawig kasi ni Ryan si Rene, pati na ang kulay at style ng buhok nito kaya ang movie na Pido Dida agad ang naisip ng kanyang followers.

Hindi naman umalma si Alex sa mga request ng kanyang fans dahil kahit siya ay bilib sa natural na talent ni Ryan sa pagpapatawa. Tiyak na magiging riot ang kanilang batuhan sakaling magsama sila sa pelikula.

Tuwang-tuwa ang fans ni Ryan sa kanyang pagkapanalo na kahit saang sulok ng mundo ay may followers at talagang nami-miss siya.

Sa pagkapanalo niya ng halagang one million pesos ay marami ang nanghihingi sa kanya ng balato. Nagbiro naman si Mayor Herbert Bautista na isa sa judges ng Funny One finals, hindi raw nito puwedeng ipamigay dahil pangpiyansa niya ang napanalunan.

Kung dati ay suki si Ryan ng Divisoria, last Monday ay nag-mall na ang stand up comedian siya at pinagkaguluhan ng mga tao.  Walang sawang nagpapasalamat si Ryan sa It’s Showtime at sa mga fans dahil may pera na raw siyang pambayad sa mga bumbay na huma-hunting sa kanya.

vuukle comment

ACIRC

ALEX

ANG

FUNNY ONE

KRIS AQUINO

MAYOR HERBERT BAUTISTA

PIDO DIDA

RENE REQUIESTAS

RYAN

SHOWTIME

SI RYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with