^

Pang Movies

Sen. Nancy kakaibang gown na naman ang susuotin sa SONA

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mamayang hapon na ang huling State of The Nation Address (SONA) pero may mga nagsasabing mas gusto nilang makita ang mga isusuot ng mga pulitikong dadalo kaysa sa sasabihin ni Pangulong Benigno Aquino III. Last year, ang isa nga sa pinagtripang i-bash sa social media ay ang suot ni Senator Nancy Binay. Ano kaya ang ipasusuot naman ni Randy Ortiz kay Sen. Nancy na siya muling gagawa ng gown niya? Pero siguro this time anuman ang ipasuot niya, ituturo na niya kung paano isuot ang gown. Inamin kasi ni Sen. Nancy na hindi nasabi sa kanya kung paano isusuot ang gown na nagmukha siyang lobo na lilipad. Anyway, sino kaya ang magiging best dressed sa kanila?

Sikat na celebrity very unprofessional, hobby na paghintayin ang fans!

Muli na namang palang pinaghintay ng isang sikat na celebrity ang fans at ang namamahala sa binuksang isang store sa isang malaking mall sa south. Hindi na raw hinintay ng ma­nagement na dumating ang celebrity dahil naroon na ang iba pa niyang kasamang magka-cut ng ribbon, kabilang ang isang sikat ding personality at isang beauty queen. Nakaalis na matapos mag-perform sa show ang iba pang invited celebrities saka raw lamang humahangos na dumating ang celebrity na galing lamang naman sa hotel na malapit sa mall. ‘Yun lang, konti na lamang ang audience nang siya na ang mag-perform dahil akala ng mga tao, hindi na siya darating.

Mikoy selos na selos sa mga nakakapareha ni Thea

Sa launch ng GMA Artist Center ng music video na Pwede Ba na isang original composition ni Protege finalist na si Mikoy Morales at theme song din ng Koreanovelang Pinocchio na napapanood gabi-gabi sa telebabad ng GMA 7, natanong siya tungkol sa tunay na relasyon nila ng Protege winner na si Thea Tolentino. Wala raw level ang relasyon nila ni Thea, basta very close lamang sila talaga pero inamin na rin niyang may mutual understanding (MU) sila.

Natanong din si Mikoy sa offer noon ni Willie Revillame na bibigyan niya ng pang-down payment sa kotse si Thea, Nabanggit daw iyon sa kanya ni Thea pero ayaw na niyang mag-comment. Hindi rin daw niya alam kung natupad ang offer dahil wala nang sinabi sa kanya si Thea.

No wonder pala na nagseselos din siya sa mga nakakatambal ni Thea, sa mga ginagawa nitong soap, may kirot daw sa puso niya at pinipilit niyang huwag magpaapekto. Pero biglang bawi si Mikoy na masaya naman siya dahil mga kaibigan niya ang mga nakakatambal ni Thea, like ang naging ka-love team nitong si Jeric Gonzales sa Pyra at ngayon, sa The Half Sisters na si Jak Roberto.

Sina Jerick, Jak, at Abel Estanislao ang bumubuo ng 3Logy na all boys group ng GMA at siyang kumanta ng Pwede Ba. Masaya ang tatlo dahil after nilang i-record ang version nila ng Maybe It’s You na ginamit na theme song nang muling i-replay ang Koreanovelang Kim Sam Soon, ngayon naman ay may music video na sila. Wishing silang makagawa na sila ng buong music album sa GMA Records.

Ang Pwede Ba? ay ready na for streaming on opm2go.com at puwede na ring i-download as ring back tone sa Smart at Talk ‘N Text simula sa Friday, July 31.

vuukle comment

ABEL ESTANISLAO

ANG

ANG PWEDE BA

ARTIST CENTER

HALF SISTERS

JAK ROBERTO

MGA

MIKOY

NBSP

PWEDE BA

THEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with