^

Pang Movies

Namamahalan sa presyo ng ticket kahit madatung Cristalle Belo ayaw manood ng laban nina Pacman at Mayweather

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa si Cristalle Belo (Henares) sa mga kaibigan nina Ruffa Gutierrez at Miriam Quiambao na naglagare noong Saturday sa event ng kanyang mga kaibigan.

Naunang nagpunta si Cristalle sa Love 2 Collection ni Ruffa sa The Events Place ng Century City Mall at nag-segue sa He Can Catch You When You Fall book launch ni Miriam sa National Bookstore sa Glorietta 1.

Habang naghihintay sa pagsisimula ng nasabing book launch, nagkatsikahan kami ni Cristalle.

Nabanggit ko sa kanya ang naikuwento sa akin ni Manay Lolit Solis na bongga ang hotel na nakuha nila sa Las Vegas, Nevada para sa Manny Pac­quiao-Floyd Mayweather boxing fight sa May 2.

“Ay, hindi na. ‘Yung sa akin kasi, nang bino-book ko na, biglang tumaas ang price, kaya hindi ko na kinuha,” sabi ng anak ni Dr. Vicki Belo.

Nabanggit din ni Cristalle na baka hindi na siya manood ng Pacquiao-Mayweather boxing fight sa MGM Grand dahil sobrang mahal ng tickets.

“I might not watch na lang. Hindi rin naman yata makakapagbigay ng tickets si Jinkee (Pacquiao, misis ni Manny). Sobrang mahal naman ng $10,000 kung bibili pa ako. I might stay here na lang and watch the fight on pay TV with friends,” sabi ni Cristalle na kahit mayaman ay nanghihinayang naman sa mahal ng tickets para sa nasabing boxing fight.

Miriam hindi ini-spoil ang anak ng mister sa naunang asawa

Sa book launch pa rin ni Miriam, obvious na malapit ang Miss Universe 1999 first runner-up sa nag-iisang anak ng mister niyang si Ardy Roberto.

Pitong taon na si Joshua na anak ni Ardy sa namayapang misis.

Anak na rin ang turing ni Miriam sa bata at sobrang lam­bing nito sa actress/TV host.

Pagkatapos nga na mag-sign ng kanyang books si Miriam, nag­lalambing sa kanya si Joshua.

May gustong ipabili si Joshua sa kanyang “Mommy” Miriam, pero sinabihan ito ng book author na hindi puwede dahil grounded ni Ardy ang anak.

Maalaga si Miriam sa anak ni Ardy, pero mukhang hindi niya ini-spoil basta-basta si Joshua.

Mabili nga pala ang book ni Miriam na kung tukuyin niya ay “An inspirational book about my life story.”

Sabi ni Donita Rose na nag-host ng nasabing book launch, gusto rin sana niyang magsulat ng book tungkol sa kanyang buhay, pero hindi raw siya kasing-brave ni Miriam.

Ayaw paopera Vice nag-iiba na ang boses!

May mga nanonood ng It’s Showtime at Gandang Gabi Vice ang nakakapansin na medyo nag-iiba ang timbre ng boses ni Vice Ganda.

Dahil kaya ‘yon sa polyps sa kanyang lalamunan?

Noong una, ang sabi ay balak na ni Vice paoperahan ‘yon ngayong buwan na ito kaya nag-advance taping na siya para sa GGV, pero ayon naman sa isang malapit sa TV host/comedian, mukhang hindi na raw magpapaopera pa si Vice.

“Nadaan na yata sa gamot. ‘Yun ang alam ko, ha!” sabi ng isang malapit kay Vice.

 

vuukle comment

ANAK

ARDY

ARDY ROBERTO

BOOK

CENTURY CITY MALL

CRISTALLE

CRISTALLE BELO

MIRIAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with