^

Pang Movies

Xian walang paki sa ‘balikan’ nina Kim at Gerald

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon para sa 20th anniversary show ng ASAP called ASAP20 last Sunday afternoon ay sumayaw ang dating magka-loveteam at magkarelasyong sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Sigawan ang lahat sa paglabas pa lang ng dalawa at iisa ang naging komento ng entertainment press habang pinagmamasdan silang magsayaw – ang lakas pa rin talaga ng chemistry ng Kimerald. Nandoon pa rin ang karisma na minahal ng mga tao sa tambalan nila at hindi pa rin kumukupas. You could instantly feel the “kilig” and the chemistry.

Sa Q&A portion ay natanong tuloy si Xian Lim na naroroon din kung okay lang sa kanya na makitang magkasamang nagsasayaw ang Kimerald.

“Wala naman po ‘yun. Dance is a form of expression. It’s an art. So, wala naman po ‘yun,” say ni Xian.

Anyway, star-studded ang nasabing presscon dahil aside from Kimerald, at Xian, narooon din ang iba pang members ng ASAP na sina Yeng Cons­tantino, Nikki Gil, Morisette Amon, Cla­risse de Guzman, Marcelino Pomoy, Piolo Pascual, KZ Tandingan, Vina Morales, Jed Madela, at ang mga pioneers na sina Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano and Martin Nievera. Nag-perform din sila para sa entertainment press.

Bilang selebrasyon sa 20th anniversary ng ASAP ay sa Mall of Asia sila magdaraos ng show sa Feb. 22 kung saan ay present ang lahat ng ASAP hosts at Kapamilya stars na naging parte ng tinaguriang longest running and multi-awarded musical variety shows.

Dito n’yo makikita ang halos lahat ng Kapamilya stars mula sa mga young ones hanggang sa senior stars kaya tiyak na isa na naman itong kasaysayan sa Philippine television.

Lani ramdam na ramdam ang ‘magnet’ ni Gary

Present na si Lani Misalucha sa ginanap na final presscon kahapon para sa Ultimate Valentine concert na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Feb. 13 and 14.

Noong unang presscon kasi ay hindi nakadalo ang Asia’s Nightingale pero kahapon ay kumpleto na ang apat na stars ng concert kabilang na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, and Regine Velasquez.

Masaya nga ang atmosphere sa presscon dahil inanunsyo na sold-out na ang tickets para sa nasabing two-night concert. Pagsama-samahin ba naman ang apat na maituturing na “legends” at “icons” sa music industry, eh bakit hindi nga maso-sold out?

Nang makatsikahan namin si Gary V. before the Q&A portion, very thankful siya at say nga niya, “saka ito talaga, pinaghahandaan namin nang todo. We’re together in the rehearsals. Usually, rehearsal are two hours lang, ito talagang. . . (matagal).”

Ayon pa kay Mr. Pure Energy, sa rehersals pa lang ay enjoy na enjoy na raw siya sa naririnig na husay ng mga kasama.

“Nag-apologize na ako kay Lani, sabi ko, ‘pag minsan, naging emotional ako dahil sa pagkanta n’yo, pasensiya na lang”. Sabi niya, “naiintindihan kita”.

“Kasi iba ‘yung drama ng boses ng dalawang ito (Regine and Lani), wow!” say pa ni Gary V.

Sa first presscon ay natanong ang tatlo sa endearing quality ng bawat isa kaya this time ay si Lani naman ang natanong tungkol dito.

“Kay Gary, definitely, ‘yung spi­rituality niya. You can instantly feel that he has that spirituality in him. There’s a magnet in him that tells you that God loves you, right?

“Ganu’n siya, eh. The moment you meet him, meron na siyang ganun’g aura.

“Si Regs naman, what is so endearing about her, she is funny and she’s a very giving person. Nakakatawa siya, eh. I had a chance to guest in her on Bet ng Bayan, nakakatawa siyang mag-host. Kung ano ang nasa utak niya, ‘yun ang sasabihin niya,” sabi ni Lani.

Ang maganda naman daw kay Martin ay wala raw itong sinisino at lahat ay pantay-pantay ang tingin nito.

“From the janitor to the highest position sa kumpanya, pantay-pantay ang ano niya. And one time, may show kami sa California and kumakain na kami, siya pa ang magse-serve sa mga banda namin. Ganu’n siya ka-sweet,” papuri ng Asia’s Nightingale kay Martin.

vuukle comment

FEB

GANU

GARY V

GARY VALENCIANO

GARY VALENCIANO AND MARTIN NIEVERA

GERALD ANDERSON

JED MADELA

KIMERALD

LANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with