^

Pang Movies

Aktres kinakaibigan ang mga sikat para manulot ng trabaho

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kadiri ang isang aktres na naturingan na sikat pero nanunulot ng project nang may project.

Ang aktres na mas bata ang subject ng panunulot ng aktres na itatago natin sa alias na Sulutera.

Parehong endorser ng isang produkto ang dala­wa at nang matapos ang teleserye na pinagbibidahan ni much younger actress, kinausap ni Sulutera ang bossing ng kompanya.

Ang sey ni Sulutera, wala nang teleserye si younger actress with matching pahiwatig na hindi na effective endorser ang huli.

Walang kamalay-malay si younger actress at ang manager nito sa subtle na panunulot ng project ni Sulutera.

Imposibleng hindi maloka ang manager kapag nalaman nito ang ginagawa ni Sulutera dahil “best of friends” ang drama nila. Nagkakamali ng akala ang manager dahil nakikipagkaibigan lamang sa kanya si Sulutera dahil sikat ngayon ang mga alaga niya.

Winwyn suwertihin sana sa nickname sa Bb. Pilipinas

Natuwa ako nang malaman ko na nakapasa si Winwyn Marquez sa screening ng Bb. Pilipinas 2015.

May karapatan na maging beauty queen si Winwyn dahil maganda, matalino, at matangkad siya. Nasa lahi rin nila ang pagiging beauty queen at model dahil mga tita niya sina Melanie Marquez at Via Hoffman.

Winwyn ang nickname ng dalaga na Teresita ang tunay na pangalan at mula sa pangalan ng pumanaw na ina ng kanyang tatay na si Joey Marquez.

Ipagdarasal ko na maging suwerte kay Winwyn ang kanyang pangalan at matupad ang dream niya na maging beauty queen.

Sa mga hindi nakakaalam, college graduate si Winwyn kaya may karapatan siya na maging representative ng bansa natin sa mga international beauty contest. Mas mahusay siya na magsalita ng English kesa kay Melanie ‘ha?

Mahal na mahal nina Joey at Alma Moreno ang kanilang unica hija. Sure na sure na susuportahan nila si Winwyn sa coronation night ng Bb. Pilipinas sa March 2015. Malaki ang angkan ng Marquez family at sa kanila pa lang, siguradong puno na ang Smart Araneta Coliseum.

AiAi napapanood pa rin sa TV kahit walang bagong serye at pelikula

Walang programa ngayon sa TV si AiAi delas Alas na huling napanood sa Dyesebel ng ABS- CBN.

Tawa nang tawa si AiAi sa comment ng isang reporter na wala man siyang regular show sa Channel 2, dalawa ang programa niya na napapanood sa Jeepney TV.

Ang Jeepney TV ang cable channel ng ABS-CBN at dito ipinalalabas ang mga old television show ng Kapamilya Network.

Walang entry si AiAi sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014 at tawang-tawa rin siya sa dialogue ng reporter na kahit walang siyang filmfest movie, napapanood pa rin siya at ang kanyang old films sa Cinema One.

Magandang panahon dasal ng mga Taclobanon sa pagbisita ni Pope Francis

Ipinagdarasal ng mga kababayan natin sa Tacloban City na bumuti ang lagay ng panahon sa lugar nila para matuloy ang pagdalaw ni Pope Francis.

May low pressure area na nagbabanta sa Tacloban City, kaya praying for a good weather ang mga Taclobanon.

Ang dalawin at ipagdasal ang mga biktima ni Typhoon Yolanda noong November 2013 ang pakay ng pagbisita ni Pope Francis sa ating bansa.

vuukle comment

ALMA MORENO

ANG JEEPNEY

CINEMA ONE

PILIPINAS

POPE FRANCIS

SULUTERA

TACLOBAN CITY

WALANG

WINWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with