^

Pang Movies

Sharon hinulaang tutuloy sa pulitika

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hinulaan ding papasok na sa pulitika si Sharon Cuneta kahit sinasabi nito na ayaw niya.

Usap-usapan na may mga humihikayat sa Megastar na tumakbong mayor ng Pasay kung saan naging alkalde rito ang yumaong ama niyang si Pablo Cuneta for two decades.

Sa isang interview kay Tito Sotto sinabi nito na kung nahubog niya sa pag-aartista si Sharon, ay makakaya rin niyang mahubog ito sa pulitika.

Naniniwala si Tito Sen na magiging isang maga­ling na public servant ang Megastar.

Gov. Vi takot tumakbo sa mas mataas na posisyon

Hinulaan si Gov. Vilma Santos ni Maricel Gaskel na kung sakaling tumakbo sa mas mataas na posisyon ay papalarin ito - halimbawa vice presidential post.

Ayon sa psychic, takot si Vi na tumakbo sa mas mataas na posisyon pero sinabi nito na hindi siya dapat matakot o mangamba dahil mananalo siya.

Noong nakaraang presscon sa Ala Eh! Festival ay tinanong na si Vi tungkol sa political plan nito pero ayaw pang magkomento ng gobernadora dahil wala pang katiyakan kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon.

Huling termino na ni Vi ang pagiging gobernador sa Batangas.

Toni nag-i-expect ng wedding proposal kay Direk Paul?!

Inaabangan na rin ang susunod na kasalan ngayong taon nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa darating na Feb. 15 sa Balesin Island sa Quezon Province.

Hinihintay na rin ni Toni Gonzaga ang marriage proposal ng long-time boyfriend na si Paul Soriano dahil handang-handa na itong lumagay sa tahimik.

Nagbibilin na ang aktres sa nakababatang kapatid na si Alex na maging responsible na at kung ano ang mga dapat gawin sakaling umalis na siya sa kanilang bahay.

Magbi-birthday ngayong January si Toni at inaabangan na kung may magaganap na marriage proposal mula sa kanyang boyfriend.

vuukle comment

ALA EH

BALESIN ISLAND

CHIZ ESCUDERO

DIREK PAUL

HEART EVANGELISTA

HINULAAN

MARICEL GASKEL

MEGASTAR

PABLO CUNETA

PAUL SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with