^

Pang Movies

Ryzza Mae negosyante na rin

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sa grand presscon ng My Big Bossing ay uma­gaw ng atensyon si Alonzo Muhlach dahil wala itong kapaguran sa pagsayaw at nakatutuwang pagsagot sa mga katanungan ng entertainment press.

Ayon kay Niño Muhlach na kasama din sa pelikula, nagpapasalamat siya kay Ryzza Mae Dizon dahil nagsilbi itong ate ni Alonzo sa syuting kung saan lagi itong nakaalalay sa anak.

Sinabi ni Bossing Vic na hu­mingi ng take 2 si Ryzza kay Direk dahil gustong ma­paganda ang karakter kung saan gusto niyang tumulo ang luha sa iba’t ibang anggulo-kanan, patagilid dahil ser­yoso ang ginagawa.

Si Alonzo gaya ni Niño Muhlach noong bata pa ay walang tantrum. Kapag sina­bing take na ay madali itong kumuha ng acting instruction.

Sa kabilang banda, sinabi ni Ryzza na maswerte siya sa taong ito dahil natupad ang mga pangarap niya sa buhay. Nagkarun sila ng bahay, sasakyan at business na nauukol sa computer. Balang araw ay gusto naman niyang makapagpatayo ng grocery.

Malaking hatak sa takilya sina Ryzza at Alonzo bukod kay Vic Sotto. Isa pang bentahe ng pelikula bukod sa pagiging wholesome nito ay pinaghalo ang fantasy at komedi sa tatlong episodes.

Magbubukas ito sa mga sinehan sa Disyembre 25 mula sa M-Zet Television, OctoArts Films at APT Entertainment.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

BOSSING VIC

M-ZET TELEVISION

MUHLACH

MY BIG BOSSING

RYZZA

RYZZA MAE DIZON

SI ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with