^

Pang Movies

Sikat na aktres na nagmaldita, ayaw na ulit bigyan ng raket ng pulitiko

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Umiral ang kamalditahan ng isang sikat na aktres sa isang malaking event na kung saan kasama siya. Malaking politician sa province na ‘yon ang nag-imbita at hinintay ang availabi­lity ng aktres para sa event.

Eh gustung-gusto si aktres nung nag-imbita sa event at hopia na magkakaroon sila ng picture together ng sikat na aktres.

Nang dumating sa holding area ang aktres, nagpasabi na ang staff ng pulitko na gustong magpa-picture ng boss nila.

Nagsabi ang aktres na mamaya na. Pero ‘yung mamaya na ‘yon eh hindi na nangyari hanggang matapos na ang event!

Bwisit na bwisit ang pulitiko at sinabing huwag nang kukunin ang aktres na idolo pa naman niya.

Dahil sa kasungitan na may kamaldtyahan, nabawasan tuloy ng mapagkakakitaan ang aktres na malaki pa namang magbayad, huh!

SB19 Josh, magsosolo concert din

MAGLALABAS ng bagong music ang P-Pop King na SB19 ngayong October.

Eh ang bongga sa bagong music na ito ng SB 19, makakasama nila si Jose Mari Chan na balitang may kuneksyon sa project ng Department of Tourism.

Wala pang kumpletong detalye tungkol dito, pero excited na ang fans ng ambassador ng DOT huh!

Samantala, ang member ng SB19 na si Josh Cullen ang magkakaroon ng solo showcase na Like Me ngayong September 26 sa Samsung Hall sa SM Aura.  Siya ang huling member ng SB19 na naglabas ng solo music this year.

Si Stell naman ay isa sa apat na co-founders  ng gym na Driven located sa Quezon City.

Magiging bahagi rin ang SB19 ng One Zone Fest sa Smart Araneta ngayong October 24-25 kasama ang Xonara at J2X. Maglalabas din sila ng kanilang coffee table book!

SB, may blessing sa pagbalik sa EB

Nagpaalam sa GMA Bosses ang Sex Bomb member na si Rochelle Pangilinan nang mag-guest last Saturday sa Eat Bulaga kung saan guest din ang ibang miyembro ng SB.

Binitin-bitin kung darating si Rochelle. May patikim na isang babae na sumasayaw-sayaw pero si Wally Bayola ang lumabas bilang si Rochelle Ann Go.

Next na ipinakita ang isang tila babaeng nagsasayaw na mas matangkad. Pero siya pala si Paolo Ballesteros bilang si Roselle Nava!

Until finally, lumabas ang tunay na Rochelle na nagsayaw ng Baile at nakikanta sa SB single na Mama, Mama.

Nalaman namin sa aming source na absent si Jopay Paguia sa episode na ‘yun kung saan present si Rochelle.

Ibinalita rin ng SB ang series of shows nila sa US this coming months.

Kahit wala si Jopay, hindi naman nahalata na kulang siya!

POLITICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with