^

Pang Movies

Laging limot ang pangalan junior actress, kilala lang sa mukha ng fans!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

FEELING ng isang junior actress eh pagkakaguluhan siya ng mga tao kapag lumalabas at nagpupunta sa mall.

Sikat naman si junior actress. Pero may mga tsismis sa kanyang may attitude sa trabaho at gusto niya eh laging siya ang masunod kapag may bagong trabaho.

Hindi basta-basta dapat ordinaryo ang kanyang role at ‘yung mga kasama niya eh approved dapat sa kanya.

So heto na nga ang kuwento ng aming source, kapag pumupunta sa mall, dapat eh hoodie ang kanyang jacket at dapat eh may face mask siya para walang makakilala sa kanya!

May nakakapansin sa kanya pero hindi masabi-sabi ang name niya. Ganoon kasi ang byuti ni junior actress, may ganda pero hindi agad matandaan ang name niya!

So para hindi na siya pagkaguluhan, tagung-tago talaga ang mukha niya na hindi naman pansinin, huh!

Richard, matagal nang BM sa MTRCB!

BOARD member pala ng Movie and Television Review and Classification Board ang OPM icon na si Richard Reynoso.

Three years na siyang board member na aming nalaman nang mag-guest siya sa Marites University to promote the RR40: Timeless Memories concert na magaganap sa Sept. 26 sa Teatrino sa Greenhills.

Nalaman din namin kay Richard na lumipat na siya ng recording company matapos magtagal sa Alpha Records na nagbigay sa kanya ng hit songs niyang Hindi Ko Kaya at Paminsan-minsan.

Ang PolyEast Records na ang label ni Chard na nagbigay ng bagong Christmas song ng balladeer na Parating Na Ang Pasko.

Aspiring singer-actor pa lang si Richard noon nang magpatulong sa amin ang dati niyang manager na ang pumanaw nang si William Leary at naging manager din ni Vilma Santos.

Ngayon eh may asawa’t dalawang anak na si Richard. Mas ginusto niyang kumanta kesa umarte.

Kaya naman nabuo ang grupo ng OPM na OPM Hitmen kung saan kasama siya at ang concert nila bukas sa Teatrino ay sold-out na. May repeat sila sa December. Pero ayaw niyang sabihin kung bakit kulang na sila ng bilang hindi tulad nung nagsimula ang kanilang series of concerts.

Abangan ninyo ang masaya naming interview kay Richard sa Marites University na tonight ang upload.

VMX Star, pursigidong maging abogado

NAG-AARAL ng law ang VMX artist na si Shannon Sizon. Gusto niyang makatulong lalo na sa mga babaeng inaagrabyado at sa mahihirap na walang pambayad ng lawyer.

May karanasan din siya sa buhay na nabanggit sa mediacon na may kinalaman sa kanyang mga magulang.

Ayon kay Shannon sa mediacon ngVMX special interest feature na VHS Tapes, wala siyang special treatment sa kanyang law professors kahit artista siya.

Basta ‘pag hindi siya nakakasagot sa recitation, nakikita niya ang ilan niyang classmates na pinatatayo ng ilang minuto sa kanyang kinauupuan hanggang may makasagot ng tama.

“Luckily, nakakasagot naman ako!” sabi ni Shannon.

Kahit host si Shannon sa VMX special interest feature na VHS Tapes, may pasabog din siyang ginawa sa feature na streaming na sa Oct. 2 sa VMX at ang isa pa sa aabangan ay ang bagong version ng pelikulang Isla na ginawa noon ni Maria Isabel Lopez na pinagbibidahan ni Margaret Diaz.

MTRCB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with