^

Pang Movies

Jose wish na mabuntis si Eugene sa 2015

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Wish ni Jose Ma­nalo sa partner niyang si Eugene Domingo sa Celebrity Bluff na magkanobyo at mabuntis na ang aktres sa darating na 2015.

Nagbibiro pa si Jose na hindi na raw dapat nagpapakipot pa si Eugene na yayain na siyang pakasalan dahil sa tumatanda na ito.

Kilalang-kilala na ni Jose si Eugene dahil sa original Valiente days pa noong 1992 na palabas sa Kapamilya ay magkasama na ang dalawa. Hindi na raw nakapagtatakang alam na alam na niya ang kiliti ni Eugene. Kaya ini-enjoy nila ang harutan nila sa Celebrity Bluff na nagki-click sa viewers.

Samantala, hindi naman inaasahan ni Jose na mananalo siya ng Best Single Performance By an Actor sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television sa palabas na Hulog na Langit na Lenten Special ng Eat Bulaga sa GMA-7.

Thankful si Jose na puwede rin daw palang manalo ng acting award ang komedyanteng tulad niya. Nahirapan daw siyang gawin ang eksena dahil masayahin siyang tao, pero natuwa ang komedyante na nabigyan siya ng chance na mag-drama kung saan napansin ang kanyang akting.

Nagbiro pa si Jose na at least mas lalo silang bagay ni Eugene dahil tinawag na rin siyang aktor, kahit alam niyang marami pa siyang bigas na kakainin kumpara sa aktres pagdating sa aktingan at awards.

Nanghihinayang lang si Jose dahil hindi matuluy-tuloy ang plano sanang pagsasama nila ni Eugene sa isang movie. Wish ni Jose na magkasama sila ni Eugene lalo’t gamay na nila ang isa’t isa pagdating sa harap ng screen.

Tulog at basketball naman ang kanyang pambawi sa rami ng trabaho. Good boy daw kasi siya at hindi pala-gimik. Sa Klownz at Zirkoh lang ang alam niyang tambayan at trabaho pa rin ang inaatupag ng komedyante rito.

 

vuukle comment

BEST SINGLE PERFORMANCE BY

CELEBRITY BLUFF

EAT BULAGA

EUGENE

EUGENE DOMINGO

JOSE

JOSE MA

LENTEN SPECIAL

PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB

SA KLOWNZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with