^

Pang Movies

Rocco ramdam na gusto siya ng mommy ni Lovi

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mami-miss si Lovi Poe for two weeks. Hindi makakasama si Rocco Nacino sa Japan trip ng girlfriend dahil hindi niya maiwanan ang taping ng Hiram na Alaala. Matagal na raw plano ni Lovi na magbakasyon at inimbita raw sana siyang sumama sa kanila ng mommy niya, pero hindi nga pumwede ang sked niya.

Sinamantala raw ni Lovi habang med­yo maayos pa ang kanyang schedule dahil tapos na silang mag-shooting ng Shake, Rattle & Roll XV na entry ng Regal Entertainment for the upcoming 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Next year na raw lamang sila babalik muli ni Lovi sa Japan, in time sa cherry blossoms at gusto rin niyang isama ang family niya. Mahilig daw kasi silang mag-travel ng girlfriend niya. Biniro tuloy namin si Rocco na baka ayaw siyang makasama ng mommy ni Lovi.

“Hindi naman po dahil magkasama kami sa isang dinner last week at very welcoming and warm siya sa akin,” nakangiting wika ni Rocco. “Nag-uusap po kami at sa palagay ko, gusto naman niya ako dahil napakabait niya sa akin. Naintindihan naman ni Lovi na priority ko pa rin ang work. Mahihirap pa naman ang mga eksena ko sa aming soap at sa character ko bilang si Otep na madalas sinusumpong dahil sa trauma sa pananakit sa kanya ng mga rebelde sa bundok, ang hirap kumawala sa character. Kaya after the intense scenes, tinatawagan ko si Lovi para may makausap ako at makakawala sa character. Ganoon kami ni Lovi, nagtutulungan kami sa work namin.”

Regine at Kapuso stars makiki-piyesta sa Maguindanao

Pangungunahan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at ng co-host niyang si Alden Richards sa Bet Ng Bayan, ang celebration ng Kalimudan Festival sa Sultan Kudarat, Maguindanao na nagsimula kagabi sa Mutya ng Sultan Kudarat with Gabby Eigenmann. Today, ang Kapuso Fiesta with Alden Richards, Louise delos Reyes, at Max Collins. Bukas ang fans day ni Regine at sa November 21, ang Kapuso Night with Mark Herras, Rochelle Pa­ngilinan, Dion Ignacio, at Kylie Padilla.

Carmen bilib sa pagtataray ni Thea

Maraming lumapit kay Carmen Soriano noong Senior Prom Reunion ng mga artista sa Sampaguita Gardens at binati siya sa pagganap niya sa The Half-Sisters bilang lola ni Barbie Forteza. Nagugulat nga raw siya kapag nasa labas siya at may mga bumabati at nagsasabing nanonood sila ng top-rating afternoon prime drama series ng GMA-7. Marami raw pala talagang nakakagusto sa kanilang soap. Natawa kami nang mag-spoiler siya na namatay na siya sa story para mas kaawaan daw si Diana (Barbie) ng mga manonood dahil nag-iisa na lamang itong ina­alagaan ang sarili. Puring-puri rin niya si Barbie na kung gaano raw kabait ang role sa story, ganoon din kabait ito off-camera. Hanga rin siya kay Thea Tolentino na kayang-kaya ang kontrabidang role pero ang bait din nito sa personal. Sa palagay daw niya, may youngest kontrabida na sa GMA-7 at si Thea iyon.

Bukod sa pag-arte, tuloy pa rin si Carmen na kumakanta sa mga corporate shows and concert.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BET NG BAYAN

CARMEN SORIANO

DION IGNACIO

LOVI

NIYA

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with