^

Pang Movies

Kris pahinga muna sa kanyang show!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagsimula nang mapanood kahapon sa ABS-CBN ang reality TV show ng Queen of All Media na si Kris Aquino, ang Kris TV, 7:30 – 9:00 a.m.  Ito ang ilang araw na pagti-taping ni Kris sa Japan a week ago.  And it seems, magi­ging matagal ang pahinga ni Kris at makakapag-concentrate siya sa iba niyang shows, like ang The Buzz at Abunda & Aquino Tonight at shooting ng Feng Shui for the coming Metro Manila Film Festival (MMFF), dahil ang show entitled Kris TV Japan Diary Experience ay mapapanood hanggang sa first week of February, 2015, before naman ng kanyang birthday celebration. Kasama rin ni Kris sa Japan ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Mel bubuhayin sa serye?!

Nag-celebrate ng kanyang 40th birthday si Mel Martinez with his family last November 13, kasabay ng 2nd anniversary na rin ng kanyang restaurant na Cucina ni Bunso. Naroon ang sister niyang si Maricel Soriano, si Bec Bec at ang mga brother niya.  From the audio visual presentation na ginawa ng kanyang staff, ramdam mong mabait na employer si Mel dahil sa mga pasasalamat nila sa kanya.  Present din ang mga executive ng afternoon prime na kasama si Mel, ang The Half-Sisters at ilang katrabaho niya sa GMA-7, Veana Fores, Ms. Malou Choa-Fagar at Rams David.

Nalaman na­ming extended until February, 2015 ang The Half-Sisters na ­siyang pinakamataas ang rating sa mga soaps sa afternoon prime kaya naitanong namin kay Mel kung babalik pa ang character niyang si Venus, ang pinsan ni Jean Garcia at Tita at Ninang ni Barbie Forteza sa story.  Ang huling eksena niya kasi ay sakay sila nina Jean, Barbie, at Jomari Yllana ng isang yate pero sumabog iyon. Natagpuan at nailigtas sina Jean at Barbie, pero walang balita kina Jomari at Mel, wala ring body nila na na-recover at maaaring buhay pa sila. Sa ngiti ni Mel, mukhang may maganda pang development na mangyayari sa story, dahil may twist na sa pagpasok ni Ms. Gloria Romero.

Maricel sa 2015 na raw uli magkaka-show

Maraming nagtatanong kung may susunod raw bang soap na gagawin si Maricel Soriano pagkatapos ng pinag-usapang drama series nilang Ang Dalawang Mrs. Real nina Dingdong Dantes at Lovi Poe.  Natanong namin ang manager niyang si Veana Fores at may naka-schedule na raw silang meeting with GMA-7 for a new project ni Maricel for 2015.

Show ni Marian naurong ang oras

Balik-GMA-7 si Gina Pareño sa isang episode ng Magpakailanman mamayang gabi under Maryo J. Delos Reyes sa new timeslot nito at 7:00 p.m.  Susun­dan ito at 8:30 p.m. ng dance show na Marian na sa wedding diary ni Marian Rivera, ipakikita ang exclusive video nila ni Dingdong Dantes nang pumunta sila sa Dubai last week para sa kanilang Kapusong Pinoy Show with Julie Anne San Jose.

vuukle comment

AQUINO TONIGHT

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BEC BEC

DINGDONG DANTES

MARICEL SORIANO

VEANA FORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with