^

Pang Movies

John Lloyd inaalat?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaalat yata si John Lloyd Cruz ngayon. Mag-iisang taon na siyang walang trabaho at hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit tinanggal ang ilang pinaghirapan niyang eksena sa The Trial.

Sana huwag siyang pabayaan ng Dos, pinagkakakitaan naman siya ng istasyon.

Coco may namana kay Nora

Maganda ang ending ng seryeng Ikaw Lamang, para siyang movie. Epektibo ang love triangle nina Coco Martin, Kim Chui, at KC Concepcion na mas bongga bilang kontrabida. May nakapansin kay Coco, parang may namana siyang ugali sa Superstar Nora Aunor, na nagbibigay ng blessing sa kapwa ‘pag last day na ng taping. Nagkasama ang dalawa sa movie na hindi pa napapalabas, ang Padre de Familia at nakapulot siya ng magandang ugali kay Guy. Sa kinikita naman ngayon ni Coco, simpleng bagay lang ang mag-share sa kapwa.

John Lloyd at Nora pareho nang freelancer

Noong October 30 ang last day ng kontrata ni John Lloyd Cruz sa ABS-CBN, pero wala pang balita kung pipirma uli ito. Kahapon naman, October 31 ang end of contract ng Superstar Nora Aunor sa TV5 at wala pa ring balita kung magri-renew ito ng kontrata. Nasa America pa kasi siya at nakatakda siyang bigyan ng award ng mga Pilipino doon.

Gerald minalas kay Maja?

Maraming nakapuna, magbuhat daw noong ma-in love si Gerald Anderson kay Maja Salvador, unti-unti siyang nawawala sa industriya. Huli siyang napanood noon sa Budoy, Bukas na Lang Kita Mamahalin, at Dyesebel. Dumaragsa ang mga bagets na ibini-build up sa ABS-CBN kaya dapat maging alert si Gerald.

Happy birthday Ms. Charo

Happy Birthday din sa bituin ng Maalaala Mo Kaya, Ms. Charo Santos. Naalala namin noon, si Charo ay naging Baron Travel Girl at star ng pelikulang Itim. Napakalayo na ng narating ng the most beautiful girl from  Calapan, Oriental Mindoro

May bonggang photo exhibit ang Mowpap sa Nov. 14 at 15 sa bulwagan ng Quezon City Hall na tatampukan ng mga photographers ng showbiz.

Pitik-bulag ang gaganaping contest at may kaukulang premyo sinumang mapiling manalo. Ang mowpap ay grupo ng mga photographers at showbiz writers. For information, contact Tarsila Castanares.             

vuukle comment

BARON TRAVEL GIRL

COCO MARTIN

GERALD ANDERSON

HAPPY BIRTHDAY

IKAW LAMANG

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KIM CHUI

SUPERSTAR NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with