^

Pang Movies

Billy ayaw pang pakasalan si Coleen

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Minsan, sa shooting break ng mga bida ng Moron 5.2 The Transformation na sina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, Matteo Guidicelli, at DJ Durano, gumawa sila ng isang music video na When You Say Nothing At All na dedicated sa kani-kanilang mga girlfriends na sina Kiti (Angel Locsin), Coleen Garcia, Sarah Geronimo, at non-showbiz girlfriend ni DJ na si Joanne. Si Marvin, dedicated ang music video sa kambal niya. Pero hindi makikita ng iba ang music video dahil naka-private ito sa kani-kanilang mga Instagram (IG) accounts.

Naunang nakausap ng showbiz press ang maagang dumating na sina Luis at Billy at kahit maraming birong mga sagot ang dalawa, seryoso rin naman nilang sinagot ang tanong tungkol sa kanilang love life.

“Yes, it’s true I’m not getting any younger,” say ni Luis. “Pero two or three more years pa bago namin isiping magpakasal ni Kiti. Marami pa kaming dapat gawin, si Angel, may Darna pa at a movie with my mom (Batangas Governor Vilma Santos), may mga bago rin akong sisimulang projects. Yes, may naisip na rin akong marriage proposal for Angel, something intimate, pero sa akin na muna iyon.”

“I’m for stability muna namin ni Coleen,” sabi naman ni Billy. “Ang bata pa kasi ni Coleen, she’s only 22, I’m 32. At balak ko pang bumalik muli sa France, for an album na gagawin ko roon. It’s good na open pa rin sila sa aking gumawa ng album doon, pero hindi ako magtatagal, babalik din ako agad dito. May mutual agreement na kami ni Coleen at ipinagdarasal ko na magtuluy-tuloy iyon.”

Kung napanood ninyo ang unang Moron 5, tiyak na mas magugustuhan ninyo ang kalokohan ng limang bida na naniwalang may super powers sila. Ang story ay magsisimula after five years na ipinakulong sila ni Becky Pamintuan (John Lapus). Pare-pareho na silang may pamilya at sinabi na ni Direk Wenn Deramas kung sinu-sino ang kani-kanilang naging asawa. Si Billy ay si Danita Paner, si Marvin kay Nikki Valdez, Luis kay Yam Concepcion, DJ kay Mylene Dizon. Sorpresa pa kung sino ang napangasawa ni Matteo at kahit nabanggit na ni Direk Wenn ang name ni Sarah Geronimo, muli niyang itinikom ang bibig niya, sorpresa raw, si Sarah Joy daw ang tinutukoy niya. Sino si Sarah Joy, panoorin na raw lamang sa November 5 ang movie na may premiere night sa November 3. Birthday iyon ni Gov. Vi at biro ni Luis, a-attend daw ang mommy niya, pero roon niya pauupuin sa harap sa orchestra, para ma-feel nito nang husto ang movie.

Jolina naghihintay pang mag-end ang October bago kumpirmahin ang pag-alis sa GMA

Inamin ni Marvin Agustin na babalik siya muli sa ABS-CBN for a project, ang Flordeliza na magtatampok sa maraming artista at ididirek din ni Wenn Deramas. Mum pa sina Marvin at Direk Wenn tungkol sa paglipat din muli ni Jolina Magdangal-Escueta sa Kapamilya Network. Balita kasing gusto munang tapusin ni Jolina ang contract niya sa GMA Network this October bago siya gumawa ng formal announcement. Nirerespeto raw nito ang network na nag-alaga rin sa kanya ng maraming taon matapos siyang lumipat noon from ABS-CBN.

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

BECKY PAMINTUAN

COLEEN

DIREK WENN

LUIS

MARVIN AGUSTIN

SARAH GERONIMO

SARAH JOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with