^

Pang Movies

Nakabili na ng lupa na tataniman, Alden mga paupahang apartment at dream house naman ang target

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kapani-paniwala ang sinabi ni Alden Richards noong presscon ng Bet Ng Bayan (BNB) na halos hindi na siya nakakauwi ng bahay nila dahil sa busy schedule niya. Napangiti na lamang si Alden nang sabihan siya na kaya may nai-insecure sa kanya dahil siya raw ang paboritong bigyan ng magagandang projects ng GMA 7. Naniniwala raw siyang hindi siya bibigyan ng project na hindi bagay sa kanya pero hindi siya tatanggi sa anumang project na ibibigay sa kanya dahil pagsisikapan niyang magampanan iyon.

Mamayang gabi na magsisimula ang talent search na Bet Ng Bayan after ng Kapuso Mo Jessica Soho hosted by Regine Velasquez at tomorrow, 10:05 to 10:20 p.m. si Alden ang maghu-host gabi-gabi ng mga kaganapan sa mga audition na pinupuntahan niya sa bawat city sa mga probinsiya. Sa regional finals naman sila magkasama ni Regine. Kaya sunud-sunod ang taping ni Alden, na in between, tapings naman niya ng Ilustrado na gaganap siyang si Dr. Jose Rizal. Tatagal ito ng four weeks na mapapanood sa primetime block ng GMA 7 simula sa October 29.

Magsisimula na ring mag-shooting si Alden ng Cain at Abel ngayong pinalitan na ni Mark Herras si Aljur Abrenica na siyang dapat niyang kasama sa movie. At blessed nga raw siya dahil isa pang project ang muling ibinigay sa kanya, ang season 6 ng Kapuso Milyonaryo na magsisimula na rin this month hanggang Christmas, as co-host of Joey de Leon.

Thankful si Alden sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya at natutupad na raw ang mga dreams niya, like nakabili na siya ng 2.4 hectares farm sa Leme­ry, Batangas na tataniman nila ng fruit-bearing trees. Susunod na raw ang rows of apartment at ng sariling house since graduating na ang sister niya ng nursing sa March. Loveless si Alden dahil ang focus nga niya ay ang work niya.

Fans nag-alboroto, Joross inapi raw sa billing ng Dilim

Aware kaya ang manager ni Joross Gamboa na si Noel Ferrer, na inapi ang talent niya sa billing ng movie ng Regal Films na Dilim na tampok sina Rayver Cruz at Kylie Padilla at idinirek ni Jose Javier Reyes? Napansin kasi iyon ng fans ni Joross nang lumabas sa social media ang layout ng Regal movie, na nauna pa ang pangalan nina Ella Cruz at Nathalie Hart kaysa name ni Joross na isa sa mga paborito ng Star Cinema dahil marami itong nagawang movies na nag-hit sa box-office, bukod pa sa may mga tinanggap na rin siyang acting awards. But knowing Noel, hindi na ito papatol sa issue.

Derek gabi-gabi nang mapapanood sa TV

Simula bukas, October 6, gabi-gabi nang mapapanood ang pagbabalik ng The Amazing Race Philippines (TARP). Hosted by Kapatid prime hunk at sportsman Derek Ramsay, mapapanood ito Monday to Friday, 7:00 p.m. bago ang Wattpad Presents, tuwing Saturday, 9:00 p.m. bago ang Trenderas at tuwing Linggo, 9:00 p.m. pagkatapos ng Quiet Please, Bawal ang Maingay ni Richard Gomez. Ang mananalo sa TARP ay mag-uuwi ng two million pesos from PLDT Home Telpad at two house and lots from RCD Royal Homes. Mamayang hapon pala, pasasayahin ni Derek ang mga dadalong teachers sa Gabay Guro 2 sa SM Mall of Asia Arena.

vuukle comment

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

AMAZING RACE PHILIPPINES

BET NG BAYAN

DEREK

DEREK RAMSAY

DILIM

JOROSS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with