^

Pang Movies

Benefit show para kay Tita Pusit tuloy, malilikom na pera gagamitin sa pagpapalibing

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Walang atrasan ang benefit concert bukas sa Zirkoh Morato para sa pumanaw na comedienne na si Tia Pusit.

Matagal nang kasado ang benefit show na idea ng concerned friends ni Tia Pusit na gustong makatulong sa pagpapagamot niya.

Hindi na nahintay ni Tia Pusit ang bene­fit show dahil namatay siya noong Wednesday night.

Itutuloy pa rin ang concert sa Zirkoh Morato na magsisilbi na tribute kay Tia Pusit. Gagamitin sa pagpapalibing sa kanya ang pera na malilikom mula sa benefit show. Maraming artista ang nangako na pupunta para mag-perform ng walang anumang kapalit, alang-alang sa pagmamahal nila kay Tia Pusit.

Tagalinis ng bahay ng nanay ni Cherry Pie, kumpirmadong pumatay

Confirmed na ang lalaki na taga-linis ng bahay ni Mrs. Zenaida Sison ang pumaslang sa kanya.

May pangalan na ang suspect, si Michael Flores na missing at tiyak na nagtatago na dahil natukoy na siya ng mga pulis bilang killer ng nanay ni Cherry Pie Picache.

Wala akong makita na dahilan para hindi madakip ng Quezon City Police si Flores. Kung nahuli ng QC Police ang mga sangkot sa pagpatay sa international race car driver na si Enzo Pastor, garantisado na mahahanap nila si Flores na walang awa na pumatay sa ina ni Cherry Pie.

Kumpleto ang mga nakalap na ebidensya ng QC Police kaya hindi sila nagdalawang-isip na ipaalam sa publiko ang pangalan ng suspect at ilabas ang litrato nito.

Masyadong brutal ang pagpaslang sa nanay ni Cherry Pie. Hindi natin siya masisisi sa kanyang kagustuhan na ibalik ang death penalty bilang parusa sa mga kriminal na walang puso at konsyensya.

Na hindi ginawa kina Jolo at Jake Lovi demonstrative at affectionate kay Rocco

Lovers in Singapore ang drama nina Lovi Poe at Rocco Nacino.

Nagbabakasyon ang dalawa sa Singapore at ang Universal Studios ang isa sa mga lugar na pinasyalan nila.

Si Rocco ang nagsilbi bilang tour guide ni Lovi dahil memoryado niya ang lahat ng sulok ng Singapore.

Matagal na nanirahan sa nasabing bansa si Rocco at ang pamilya nito nang madestino sa Singapore ang kanyang ama.

Sa lahat ng mga nakarelasyon ni Lovi, parang si Rocco ang greatest love niya dahil very demonstrative siya sa pagpapakita ng pagmamahal at affection sa kanyang boyfriend. Malayung-malayo sa Lovi na karelasyon dati nina Jolo Revilla, Ronald Singson, at Jake Cuenca.

Nakatulong ang pagma-mature ni Lovi para maging open siya sa publiko tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Rocco.

Panahon sobrang abnormal

Sobrang abnormal ng panahon dahil ang init-init tuwing umaga at biglang bumubuhos kapag hapon ang malakas na ulan.

Ito ang dahilan kaya iiniwasan ko na abutin ng gabi sa kalsada dahil ayokong maranasan ang nangyari sa mga kababayan natin na stranded sa kalye noong Miyerkules, ang araw na bumuhos ang ulan at lumubog sa baha ang Metro Manila.

Kahapon ang anniversary ng Ultra Mega na may kala­yuan ang venue pero hindi puwedeng hindi ko pagbigyan ang imbitasyon ni Mang Erning Lim.

Bukas ko na ikukuwento sa inyo ang mga kaganapan sa  bonggang event ng Ultra Mega at sa aktor na host nito. Sa true lang, nag-flash back sa akin ang nakaraan nang malaman ko ang name ng celebrity host na inimbitahan ni Mang Erning.

 

 

vuukle comment

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

LOVI

ROCCO

TIA PUSIT

ULTRA MEGA

ZIRKOH MORATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with