^

Pang Movies

Bea transparent ang relasyon kay Jake kahit 16 yrs. old pa lang

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nasa pagha-handle ng isang relasyon ang sagot ni Bea Binene sa issue na ang bata-bata pa raw niya ay nakipag­relasyon na siya kay Jake Vargas.  

Alam daw naman niya ang limits kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng isang tulad niya na 16 years old turning seventeen. Unang-una, alam ng parents niya ang pagsagot niya kay Jake dahil kilala na niya ang young actor, since four years na silang magka-love team at almost three years na silang mag-on. Hindi rin naging problema sa kanila ang pag-arte sa mga eksena dahil mas comfor­table na sila sa isa’t isa, kahit almost one year na bago sila muling nagtambal ni Jake sa bago nilang primetime soap na Strawberry Lane na napanood na ang pilot episode kagabi sa GMA 7 after ng 24 Oras.

Dominante raw siya, pero na­tawa na lamang si Bea dahil mga bashers daw lamang ang nagsasabi nito. Transparent daw sila sa isa’t isa ni Jake, alam nila kung may problema sila pareho.  Pero ang hindi lamang gusto ni Bea, masyado raw mabait ang boyfriend to the point na parang napagsasamantalahan na ang ka­baitan nito.  Advise niya rito, dapat ay alam nito kung ano lamang ang dapat niyang ibigay at natutuwa siya dahil sinusunod naman siya. Mabait daw si Jake, very gentleman at siya iyong tipo ng boyfriend na ipinararamdam sa kanya na lagi itong nasa tabi niya kung kailangan niya.

Inintriga rin si Bea kung bakit siya pumayag na nagsosolong bida dati sa mga soap na nagawa niya, pero ngayon ay apat na silang bida. Kasama niya bilang Cla­risse sa serye sina si Kim Rodriguez bilang Jack, Joyce Ching as Dorina at Joanna Marie Tan as Lupe. Nire­respeto raw niya ang decision ng network na gustong magbigay naman ng bagong putahe sa pamamagitan ng inspirational soap nila. Basta promise niya, mas lalo niyang pagbubutihin ang pagganap niya at sisiguraduhin niyang may bagong makikita sa kanya ang mga televie­wers.

Healing priest na si Fr. Faller nag-perform kasama ang Masculados

Dumalo ang ilang entertainment press sa im­bitas­yon ng Healing Priest na si Rev. Fr. Joey Faller sa celebration niya ng kanyang 25th Ordination Anniversary na ginanap sa Kamay ni Hesus Healing Church sa Lucban, Quezon. Kasama sa mga naimbitahan sina Veronica Samio, Letty Celi, Pilar Ma­teo, Lito Manago, Ricky Calderon, Obette Serrano, Roland Lerum, at Jhay Oren­cia.  Kasamang nag-cele­brate ni Fr. Joey ang apat pa niyang kaklaseng naging pari rin na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar.  Ilan sa nakita na­min doon sina Ms. Luz Valdez, Nova Villa (si Fr. Joey ang nag-celebrate ng healing mass sa hospital room ng kapatid niyang si Tia Pusit na patuloy nang nagpapaga­ling), Candy Cortez (wife ni Rez Cortez), San Juan City Mayor Guia Gomez, kasama ang ilang city hall employees, at Direk Romy Suzara.

Sa Batis Aramin Beach Resort ang dinner after the Holy Mass at nag-perform ang Asia’s Diva na si Dulce at nag-duet pa sila ni Fr. Joey ng song na Paano at naging game din si Fr. Joey na mag-perform with the Masculados. Every time pala na may event doon, paborito na ng mga taga-roon ang grupo na talents ni Direk Maryo J. delos Reyes na madalas magdirek ng mga church events sa Kamay ni Hesus.  Nagkaroon din ng isang dance number si Fr. Joey kasama ang kanyang mga kapatid na umuwi pa from the States.

vuukle comment

BEA

BEA BINENE

CANDY CORTEZ

DIREK MARYO J

DIREK ROMY SUZARA

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with