^

Pang Movies

Raymart consistent na idinideny ni Bettina

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nilinaw na ni Bettina Carlos sa launch cum presscon ng ini-endorse nila ng anak na si Gummy at ng mag-ama namang Dino Guevarra at Joaquin, ang IndoMie (which means Indo for Indonesia and Mie for noodles), sa mga umiikot na balitang may relasyon sila ni  Raymart Santiago kaya nakita siya sa bahay nito.  

“Nagtataka ako kung saan nanggaling ang balitang iyon,” sagot ni Bettina.  “Nagkasama lamang kami noon ni Raymart sa Villa Quintana at dahil naging close ang cast at production staff, minsan ay nag-imbita si Raymart sa bahay nila, pot luck nga kami pero nagluto si Raymart para sa mga bisita niya.  Madalas daw ginagawa iyon ni Raymart at madalas invited niya mga taga-GMA. Ako naman dahil I’m into baking, nagdala ako ng mga pastries na bini-bake ko. Kaya we are not in a relationship ni Raymart at after Villa Quintana hindi na rin kami nagkikita dahil nasa Idol sa Kusina ako sa GMA News TV and I’m busy hosting sa auditions ng Bet ng Bayan in Visayas and Mindanao. Ako muna ang nagho-host pero sa actual presentation, it will be hosted by Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards.”

Happy naman si Dino Guevarra na through endorsing IndoMie, muli siyang napansin at ngayon ay may offer na muli sa kanya ang GMA Network. Nag-guest na siya with girlfriend Karen Gabriel sa Love Hotline sa GMA 7 hosted by Jean Garcia.  Ito na raw ang pagtutuunan ngayon ni Dino ng oras at wala na siyang balak bumalik sa pulitika.  Naikuwento niya ang hirap nang maging konsehal siya sa Parañaque noong si Joey Marquez pa ang mayor.  Na sa konti niyang suweldo ay araw-araw siyang nilalapitan para hingan ng tulong, kahit pampalibing ng aso ay nanghihihingi sa kanya.  Ayaw daw niyang sayangin ang pera ng bayan sa walang kakuwenta-kwentang bagay.  At least daw ang ta­lent fee niyang tinatanggap sa showbiz, pinaghirapan niya talaga at wala siyang tinapa­kang mga tao.  Since he is now 35, siya na lang ang magma-manage sa sarili niya.

Apat ang anak ni Dino, dalawa sa first girlfriend niyang si Monica de Leon now editor ng In Flight Magazine for Air Asia, sina Ethan, 15 at Miguel, 14.  Kay Karen Gabriel naman niya anak si Joaquin, 9 at Annika, 6.  Maganda ang relasyon nina Monica at Karen at magkakasama sila sa launch ng IndoMie.

Biniro si Dino kung hindi pa ba niya pakakasalan si Karen, hindi ba siya naiinggit sa kaibigang si Dingdong Dantes dahil ikakasal na ito sa December 30 kay Marian? Divorced na si Dino sa wife niyang si Kim delos Reyes at wala naman silang naging anak.

 “It’s about time na magpakasal na si Dingdong,” sagot ni Dino.  “Hindi naman kami nawalan ng contact ni Dong at ng Abztract Dancers at every year may reunion kami.  I’m happy na si Marian ang mapapangasawa niya dahil kilala ko na si Marian simula pa noong una kaming magkasama sa Marimar.  Bagay sila talagang dalawa noon pa.”

vuukle comment

ABZTRACT DANCERS

DINO

DINO GUEVARRA

KAREN GABRIEL

NIYA

RAYMART

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with