^

Pang Movies

Dennis inggit sa magandang katawan ni Derek

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Award-winning actor na si Dennis Trillo pero inamin niya sa presscon ng The Janitor, one of the entries sa Directors Showcase ng 10th Cinemalaya International Film Festival, na na-starstruck siya nang makasama niya sa mga eksena ang dalawang hinahangaan niyang mga mahuhusay na actor, sina Richard Gomez at Derek Ramsay.  

Lumaki raw siyang pinapanood si Goma sa mga pelikula nito, tulad ng Tuklaw, Super Islaw, at Wating.  

Para sa kanya, Pilipino Adonis si Goma kaya kinabahan siya sa una nilang eksena. Gumaganap niyang police superior si Richard sa story. 

Habang nagsu-shooting sila ng indie film, tina-try daw niyang mag-workout dahil nakita niyang ang ganda ng katawan ni Derek na lagi raw nakasando sa mga eksena nila. 

Ang husay daw na actor si Derek na sa story ay siyang pinakamasama ang character at naka-fight scene niya.  

Isa raw masarap na experience, honored siya na makasama ang dalawang mahuhusay na actor, kaya labis ang pasasalamat ni Dennis kay Direk Mike Tuviera na ibinigay sa kanya ang sa palagay niya ay ang pinakamaganda at naiiba na hindi raw niya magagawa sa isang mainstream movie.

Magsisimula ang Cinemalaya sa August 1 to 10, may Gala Night ang The Janitor sa August 4, 6:15 p.m. at the Cultural Center of the Philippines (CCP) Main Theater.

Marian magpapa-auction ng 50 na damit

Binisita ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang Integrated Marketing Services (IMS) Division of GMA Regional TV para pag-usapan ang second wave of activities ng Kapuso-Adopt-A-Bangka campaign na si Marian ang Ambassador.

Isa sa event na gagawin nila ay ang public auction ng may 50 iconic dresses na paborito at memorable sa actress, to raise money para sa mga bangkang ibibigay nila sa mga fisherfolk communities sa Bantayan Island in Northern Cebu.  Ngayong Sabado, July 19, ia-upload na ito sa www.kapusoadoptabangkaprojectsblogspot.com para sa mga interesadong sumali sa auction.  For inquiries you may call 0915-4416692 or 0915-6661605.

Tuluy-tuloy pa rin si Marian sa mga pag-aaral ng mga new dance steps para sa kanyang Marian dance show.  

This week, tatlong araw siyang nag-aral ng air dance na mapapano­od sa mga susunod na episodes ng show.  Ngayong gabi ay special guests niya ang mag-amang Joey at Winwyn Marquez, may reunion din sa show ang Sexbomb Dancers at bisita rin ang mga hari ng dance floor, sina Mark Herras at Rocco Nacino.  Directed by Louie Ignacio, napapanood ang Marian pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Imbestigador balik kada-sabado

May mga natuwa na inilipat ng Sabado ang Imbestigador mula sa dating timeslot na Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Magaganda raw kasi ang mga tinatalakay na mga kasong iniimbestigahan ng broadcast journa­list na si Mike Enriquez kaso masyadong late na ito every Sunday.  

Kaya simula ngayong Sabado, mapapanood na ito sa mas maagang timeslot, pagkatapos ng Wish Ko Lang ni Vicky Morales, pagkatapos naman ng Startalk. 

vuukle comment

BANTAYAN ISLAND

CINEMALAYA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DENNIS TRILLO

DEREK

DEREK RAMSAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with