^

Pang Movies

Dingdong at Marian gusto nang magkaanak!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa kabila ng mga intense scenes na kinukunan kina Anthony (Dingdong Dantes) at Shiela (Lovi Poe) naging very light ang kuwentuhan namin with Dingdong sa taping break nila ng Ang Dalawang Mrs. Real. Gabi-gabi ay may Twitter party ang mga nanonood ng controversial drama series ng GMA7 na may Team Millet (Maricel Soriano), Team Shiela, Team Sandy (Alessandra de Rossi) at Team Anthony.  Kaya natanong si Dingdong kung siya si Anthony, ano ang gagawin niya ngayong nalaman na ni Shiela na mayroon nang unang Mrs. Real.  As Anthony and personally, dapat daw seryosohin na nito ang problema para matapos na rin ang agony ng dalawang Mrs. Real.

May death threat si Anthony mula sa mga Team Millet at Team Shiela, na galit sa ginawa niya, ano ang gagawin niya?  Kung noong una raw ay kakampi pa niya si Shiela, nawala na iyon nang malaman nito ang tungkol kay Millet, siguro raw ang pwede na lamang niyang kapitan ay ang Team Sandy.

Last Wednesday ay rumampa ang girlfriend niya na si Marian Rivera sa FHM Ph 100 Sexiest Women in the Philippines at hindi nakapunta si Dingdong para siya panoorin dahil biro niya, rarampa rin siya sa taping sa dalawang location with Maricel and Lovi.  May mga bashers na nagtatanong kung bakit niya pinapayagang magpa-sexy nang ganoon si Marian.  Pang-third time na kasing nanalong sexiest ang girlfriend.

“No problem sa akin iyon,” sagot ni Dingdong.  “I’m sure iyong mga kababaihan gusto rin na malagay sila kung saan ang narating ni Marian.  Saka kung hindi pa niya ginawa ngayon, baka magsisi pa siya.  Suportado ko si Marian sa lahat nang ginagawa niya dahil alam kong gusto niya iyon.  Kahit nga iyong nagsasabing bakit ko pinayagang mag-attend siya ng white party ng LGBT, dapat nga sinamahan ko siya noon, pero may previous commitment na ako.”

Natanong din si Dingdong kung kailan naman siya maggi-guest sa dance show ng girlfriend, ang Marian.

“Iyon ang pinag-uusapan namin ngayon, siguro sa birthday presentation niya, na ipalalabas sa August 9.  Basta, maganda ang mangyayari sa araw na iyon.”

Ibinalik namin sa Ang Dalawang Mrs. Real ang usapan. Sa story, magkakaanak sina Anthony at Shiela, siya ba, personally, gusto na ring magkaanak?

“Yes, sana very, very soon, gusto ko nang magkaanak. Iyon kasing mga kasabayan ko, may mga anak na sila.”

Si Marian, ready na rin bang magkaanak?

“Yes, ‘di ba iyon ang sagot niya kay Nanay Lolit (Solis), ready na rin siyang magkaanak?

Paano?

“Bahala na si Lord,” nakangiting sagot ni Dingdong na nagpaalam na dahil lilipat pa siya ng second location.

vuukle comment

AS ANTHONY

MRS. REAL

NIYA

SHIELA

SIYA

TEAM MILLET

TEAM SANDY

TEAM SHIELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with