^

Pang Movies

Hunk actor may sariling buhay na ATM!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na maitago ng male hunk na ito ang kanyang pakikipagrelasyon sa isang madatung na bading.

Kelan lang ay may mga nakakita kay male hunk na kasama ang madatung na bading sa isang Asian country na may kamahalan ang pinamimili.

Nalaman pa ng source namin na sa isa sa pinakamahal na hotel sa naturang bansa naka-book si male hunk kasama ang kanyang gay lover. At hindi sila sa isang deluxe room kundi sa isang bongga at mamahaling penthouse suite.

Hindi yata alam ni male hunk na may mga Pinoy na nagtatrabaho sa naturang hotel kaya kilala siya ng mga ito.

Dagdag pa ng aming source na halos everyday daw ay shopping nang shopping ang male hunk kasama ang kanyang sugar daddy.

At hindi sila sa mga mumurahing mall namimili kundi sa mga expensive boutiques na nakahilera sa mala-Rodeo Drive ng naturang bansa.

Kaya naman pala walang mga projects ngayon ang male hunk dahil mukhang hindi na niya kaila­ngan pang magpagod at magpuyat sa taping set dahil spoiled na spoiled na siya ng kanyang madatung na lover.

Tumatanggi na nga raw itong tumanggap ng projects dahil abala ito sa pagta-travel kung saan-saan kasama ang kanyang buhay na ATM machine.

Holywood actress paborito ang adobo

Nakatutuwa naman ang Oscar winner na si Gwyneth Paltrow dahil bilib na bilib siya sa mga produkto ng Pinoy.

Sa kanyang lifestyle website na Goop ay nag-post siya roon ng kanyang sariling recipe gamit ang very popular Pinoy dish na Chicken Adobo.

Isinama niya ang adobo sa kanyang waffles na may dipping sauce na gawa sa lemon juice, maple syrup, pepper at soy sauce.

 “This is Filipino adobo, not the Spanish version.

 “The vinegar brightens the richness of the fried chicken and helps with digestion,” pagsulat pa ng Hollywood actress sa kanyang website.

Ipinakita pa ni Gwyneth kung paano niya ginawa ang sarili niyang style ng Pinoy Chicken Adobo.

Dati naman ay nai-feature din niya sa kanyang website ang ating local brand na Datu Puti Toyomansi.

Gumawa ng isang vegetable dish si Gwyneth na gamit ang purple okra, zucchini, carrots and radishes. Tapos ay ginamit niyang pang-season ay ang Datu Puti Toyomansi.

“In this preparation, the veggies are touched with some Southeast Asian overtones. Toyomansi, a calamansi (Filipino citrus)-infused soy sauce, and a soy sauce with bonito,” pagsulat pa ng aktres sa kanyang website.

Ni-reveal pa ni Gwyneth na nakuha niya ang idea na gamitin ang toyomansi nang mapanood niya ang kilalang chef na si Keith Rhodes of North Carolina nang gamitin ito sa kanyang reality show na Top Chef.

Zac Efron at Michelle Rodriguez todo-PDA!

Kumpirmado na ngang may relasyon na ang Hollywood actress na si Michelle Rodriguez at ang Hollywood hunk na si Zac Efron.

Nakita nga ang dalawa na nagbabakasyon sa Sardinia at hindi nga raw sila mapaghiwalay sa isa’t isa.

Marami ang nagulat na biglang nagkaroon ng relasyon ang dalawa. Kelan lang kasi ay na-link si Michelle sa supermodel na si Cara Delevingne at si Zac naman ay ka-date ang co-star niya sa pelikulang Neighbours na si Halston Sage.

Kumalat na ang mga PDA (public display of affection) photos nila Zac at Michelle habang sakay sila sa isang yacht sa Sardinia.

Kasama ngang magbakasyon ng dalawa ay ang Italian entrepreneur na si Gianliuca Vacchi na siyang may-ari ng luxury yacht kung saan nagpi-PDA sina Zac at Michelle.

vuukle comment

DATU PUTI TOYOMANSI

GWYNETH

KANYANG

MICHELLE

MICHELLE RODRIGUEZ

PINOY

ZAC EFRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with