^

Pang Movies

Patricia pinasok na rin ang pagdi-DJ

SO..CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

For good na nga ang pag-settle ni Patricia Javier at ng kanyang pamilya dito sa Pilipinas.

Gusto na uling balikan ni Patricia ang ingay at gulo ng showbiz pagkatapos ng mahabang panahon na namalagi siya sa Amerika.

Wala naman daw magiging problema sa kanyang pamilya dahil marunong daw mag-Tagalog ang kanyang mister na si Dr. Robert Walcher pati na ang dalawa nilang anak na sina Robert Douglas VI at Ryan James.

Ang Viva Artist Management ang namamahala ng career ni Patricia, hindi lang sa pag-arte kundi sa pagkanta at sa pagiging isang club DJ.

Kuwento ni Patricia na pinasok niya ang pag-DJ dahil na rin sa kanyang mister.

 “Before kasi active ako sa mga shows sa Filipino communities in San Diego. Tapos biglang hindi na masyado kasi bihira na yung magkaroon ng mga shows ngayon.

 “Sabi ng mister ko, bakit hindi ko raw subukan ang mag-DJ? Para raw kapag may mga parties ang mga patients niya sa clinic, ako ang magiging DJ ng party.

 “So sinubukan ko. Nag-aral ako tungkol sa pagdi-DJ. Kailangan alam mo ang mga technicals, kung paano mag-mix ng music.

“Noong matuto na ako, I pursued it at nag-enjoy naman ako. Hindi lang kasi ako nagdi-DJ, kumakanta rin ako.

“Yung unang DJ stint ko, sa isang ballroom with more than 15,000 people. Napasayaw ko silang lahat at sobrang nag-enjoy ako,” kuwento pa ni Patricia.

Kelan lang ay ni-launch si Patricia as DJ G-Love sa The Library sa Metrowalk in Pasig at ni-launch ang kanyang album na Genesis, Songs from My Heart.

Kung sasabak daw siya sa mga teleserye ngayon, okey lang daw sa kanya na gumanap na kontrabida.

Ang Viva Films ang nag-launch ng career ni Patricia noong 1999 sa sexy drama na Kabit ni Mrs. Montero. Nasundan ito ng Unfaithful Wife 2 at Tatarin. Lumabas din siya sa mga pelikulang Marital Rape, Gamitan, at Gusto Ko Nang Lumigaya.

Huling pelikula ni Patricia bago siya nanirahan sa U.S. ay ang 2003 comedy na A.B. Normal College.

 “Kasama ako sa indie film na Separados. Kasama ko rito sila Ricky Davao, Alfred Vargas, and Victor Neri. Isa ito sa official entries ng Cinemalaya 2014.

“Medyo nag-adjust ulit ako sa pagharap sa kamera kasi ang tagal ko ring hindi umarte. Mabuti na lang very supportive ang director naming si GB Sampedro,” pagtatapos pa ni Patricia na nagtrabaho rin pala bilang isang aesthetician sa Amerika.

Joshua at Jopay ayaw pang magka-baby

Wala pa raw sa plano na magkaroon ng baby ang bagong kasal na sila Joshua Zamora at Jopay Paguia.

Nakaka-isang buwan pa lang kasal ang dalawa at gusto muna nilang ma-enjoy ang maging isang couple bago sila magkaroon ng baby.

“Bago pa lang kami ikasal, ‘yung process pa lang, sinabi namin na gusto muna naming i-enjoy ang isa’t isa.

 “Kahit mga one year or six months ‘yung pagiging couple namin na wala pang baby. Siyempre kapag may baby na, maiiba na lahat, totally.

 ‘“Yun ‘yung sinasabi ko sa kanya, pero siyempre, kung mabuntis na siya, okey lang naman,” sey ni Joshua.

Ngayon ay nag-a-adjust pa rin daw ang dalawa bilang mag-asawa.

 “Siyempre may mga konting adjustment. Parang nanibago rin kami sa pagsasama namin,” sey ni Jopay.

 “Ako ang manager ng bahay at si Joshua ang provider.

 “Pero lahat naman ng ito, kaloob ni Lord sa amin.

 “Nagpapasalamat lang ako na nangyari ito pagkatapos nang maraming pagsubok sa relasyon namin.

 “Ngayon ang saya ng pakiramdam naming dalawa.

 “Wala na ‘yung pressure mula sa pamilya namin. Kasi heto na kami at magkasama na kami nang maayos.”

Ang negosyo at ang pag-travel ang gusto nga raw gawin ng newly-weds bago sila magplano para sa kanilang first baby.

Nicolas Cage may apo na!

Lolo na ang Oscar-winning actor na si Nicolas Cage.

Nanganak na ang misis ng kanyang anak na si Weston sa isang healthy baby boy na pinangalanan na Lucian Augustus Coppola Cage.

Pinanganak ng misis ni Weston na si Dianne ang kanilang baby last July 1.

 “Lucian is of Romanian descent, which is what I am and Augustus is taken from Weston’s grandfather,” sey pa ni Dianne sa interview niya with Us Weekly.

Dagdag naman ni Weston: “His name is August. We honour him very much. He was of extreme brilliance. He was a genius.”

Masayang-masaya raw ang ama niyang si Nicolas dahil isa na itong grandfather.

Three times ngang ikinasal si Nicolas and at 50-years old ay may anak siyang 8-years old na si Kal-El mula sa kanyang present wife na si Alice Kim.

 

vuukle comment

AKO

BABY

LANG

NICOLAS CAGE

PATRICIA

WALA

WESTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with