^

Pang Movies

Ginisa ni Manay Lolit Naging ex din si Jake, Lovi inaming sila na nga ni Rocco

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa wakas, inamin na rin ni Lovi Poe na naging boyfriend niya noon si Jake Cuenca.  

Ang tagal niyang itinago ang tunay nilang relasyon, pero mukhang naka-move on na talaga si Lovi sa mga past loves niya (pero ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol kina Congressman Ronald Singson at Jolo Revilla) na hindi niya naamin noon.  

At inamin na rin ng actress for the first time kay Manay Lolit Solis sa Startalk last Saturday, na boyfriend na nga niya si Rocco Nacino.  

Masaya raw ang love life nila ng mga best friends niyang sina Heart Evangelista at Alessandra de Rossi na nali-link naman kay Sid Lucero. Ayaw nilang (Lovi at Heart) mag-confirm tungkol kina Alex at Sid, ang dalawa raw ang dapat sumagot.

Pagkatapos kulitin ni Manay Lolit si Lovi sa love life nito, natanong naman niya ito tungkol sa role niya as Shiela, ang pangalawang babaeng pinakasalan ni Anthony (Dingdong Dantes) sa drama series nilang Ang Dalawang Mrs. Real.

This week na raw sila magkikita ng tunay na Mrs. Real, si Millet (Maricel Soriano) pero hindi pa nakukunan ni Direk Andoy Ranay ang confrontation scene nila, kaya raw excited na ninenerbyos siya pagdating ng taping day nila.  

First time daw lamang kasi niyang makaka­tra­baho si Maricel, na alam niyang isa sa mga paboritong leading lady ng amang si Fernando Poe Jr.

Tom at Dennis namasyal sa London

Nag-post si Popoy Caritativo sa kanyang Instagram account ng kuha niya kina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, kasama ang Kapuso actress-singer na si Rachelle Ann Go na gumaganap ng bar girl na si Gigi at si Tanya Manalang, si Kim ng Miss Saigon. Pagkatapos ng show ng TomDen sa London, ang free day nila ay ginugol sa pamamasyal sa ilang streets ng London at ang panonood ng musicale na Miss Saigon sa Prince Edward’s Theatre.  Happy ang dalawa na muli nilang nakita at nakausap si Rachelle Ann na napakahusay daw ng performance nito.  

Hindi naman puwedeng magtagal sina Dennis at Tom dahil iniwanan lamang ni Tom ang taping niya ng My Destiny nila ni Carla Abellana, Rhian Ramos, at Lorna Tolentino.  Si Dennis naman, bukod sa promo ng indie film na Janitor na malapit nang ipalabas sa Cinemalaya International Film Festival, magsisimula na rin ng taping sa bago niyang soap na Hiram na Alaala kung saan makakatambal niya sina Kris Bernal at Lauren Young.

Iiwan muna ang trabaho, Lorna may stem cell procedure uli

Si Lorna Tolentino naman ang nagpaalam sa taping ng My Destiny dahil naka-schedule sila ni Manay Lolit Solis sa second stem cell procedure nila sa Germany.  Pero nag-advanced na siya ng taping ng mga eksena niya sa isa sa sinusubaybayang drama series sa primetime block ng GMA 7 gabi-gabi pagkatapos ng Niño. Aalis sila sa July 26 at kasama ni LT ang mga anak na sina Rap at Renz. 

Ayon sa mahusay na actress, hindi rin daw sila magtatagal sa Germany, after ng kanilang stem cell procedure, balik agad sila dito dahil nga sa kanyang drama series at si Renz naman ay magsisimula nang mag-taping ng bago nitong afternoon prime, ang Yagit. Si Rap ay katatapos lamang sa huli niyang project sa GMA 7.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

CINEMALAYA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

LOVI

MANAY LOLIT SOLIS

MISS SAIGON

MRS. REAL

MY DESTINY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with