^

Pang Movies

Claudine nagtatalak sa social media, idinepensa si Mark Anthony!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos mag-isnaban ang estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa hearing ng kasong Violence Against Women sa isang korte sa Marikina, ang Facebook ang hinarap ng aktres ng kanyang saloobin sa asawa kahit na nga wala siyang pangalan na inilagay.

Idinepensa pa ni Clau ang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez na nagpatunay na hindi siya sinungaling sa isang interview. Idinawit din ng aktres ang isang pinsan ni Raymart tungkol sa isang klase ng singsing na suhestiyon ng dating asawa.

Teka, ‘di ba, may gag order ang korte sa dalawa na huwag magsalita? Hindi ba sakop ng order ang social media?

Staff pinagbibintangang sinisiraan si Maricel

Isang beses lang daw na-late sa taping ng Ang Dalawang Mrs. Real si Maricel Soriano ayon sa isang taong malapit sa kanya. Nagpaalam naman daw ang Diamond Star na mali-late siya sa taping kaya hindi niya inakalang magiging mitsa ‘yon ng issue sa kanya, huh!

Huwag na sanang palakihin pa ang ganitong isyu kay Marya. Tutal naman, nakaka-deliver siya ng epektibong performance sa bawat episode ng drama series. ‘Yun naman ang mahalaga upang ma-attract ang manonood sa programa.

Umalma ang staff kung lubos na ang pagiging pasaway ni Maricel, to the point na apektado na ang bawat taping, huh!

Annabelle hindi pinatulan ang paawa epek ni Esther

Sa halip na pairalin ang matapang na ugali, pinayuhan na lang ni Annabelle Rama ang mother ni Sarah Lahbati na si Esther na laruin na lang ang apo nilang si Baby Zion. Hindi naman diretsong tinumbok ng mother ni Richard Gutierrez ang name ng madir ng girlfriend na si Esther ang tinumbok ng ina niya dahil sa isyung nagpapaawa sa sarili.

Naging careful pa nga si Tita A sa paglabas ng kanyang hinaing. Walang masyadong matatapang na salita laban kay Esther. Ayaw din niyang maging daan ‘yun ng hindi nila pagkakaunawaan ng anak. Mas pinili niyang pasalamatan ang mga ninong at ninang na dumalo sa binyag, fans na nagbigay ng pillow at mugs.

Komo nga gustong makasama araw-araw ang apo, wish ni Tita Annabelle ay magkaroon ng out of town work ang daddy at mommy niya para sa kanila matulog si Baby Zion.

Sa binurang post sa kanyang Instagram account, obserbasyon ng taga-showbiz, nagkamali ang nanay ni Sarah sa taong babanggain sa katauhan ni Tita Annabelle.

Ibinuko ni Mane, asawang si Aljon hindi marunong magselos!

Mas selosa pa raw si Manilyn Reynes kesa sa asawang si Aljon Jimenez. Magsasama muli kasi sa family drama na My BFF ang dating love team at lovers na sina Mane at Janno Gibbs kaya may mga tukso na magkakaroon ng isyu sa mga asa-asawa nila.

“Ni wala ngang kaselus-selos sa katawan ni Aljon! Ako pa ang mas matinding magselos kesa sa kanya! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Manilyn sa interview sa kanya ng press sa launching ng programa.

Bukod sa Mane-Janno love team, mabubuhay din sanang muli ang Mane-Keempee de Leon love team na naging boyfriend din ng singer-actres. Pero hindi natuloy ang pagpasok sa serye ni Keempee kaya pinalitan siya ni Leandro Baldemor.

vuukle comment

ALJON

ALJON JIMENEZ

ANNABELLE RAMA

BABY ZION

CLAUDINE BARRETTO

DIAMOND STAR

JANNO GIBBS

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with