^

Pang Movies

Maja pabor sa ginawang balikan nina Gerald at Kim

- Vinia Vivar - Pang-masa

After The Legal Wife, legal performer naman ngayon si Maja Salvador dahil she’s having a solo concert on July 12, 2014 sa Music Museum titled Maj: The Legal Performer.

Sinisigurado ni Maja na paninindigan niya ang title ng concert na “legal performer” dahil sa mga performances niyang ala-Britney Spears, Cristina Aguillera, Beyonce, Madonna, J-Lo, at iba pang magagaling na international singer/performers.

As we all know, mahusay naman talagang dancer si Maja at sa pag-awit naman, in fairness, may boses din naman siya kaya nga binigyan siya ng album ng Ivory Records, ang Believe and take note, nag-gold record pa ito.

Kahapon sa presscon for her solo concert, fresh na fresh pa sa lahat ang kanyang role bilang Nicole sa The Legal Wife at aminado naman siyang napakalakas talaga ng impact na nagawa sa career niya ng serye.

Kaya nga sobrang thankful niya sa lahat ng magagandang blessings na nangyayari sa kanya and when asked kung ang boyfriend ba niyang si Gerald Anderson ang suwerte sa kanya, ang bilis ng sagot niyang “Oo naman, isa siyang malaking blessing.”

‘Yun nga lang, hindi magge-guest si Gerald sa kanyang concert dahil napag-usapan na raw nila ng aktor na huwag silang magsama sa trabaho.

“Gusto naming hiwalay talaga ang trabaho namin sa aming relasyon para mas makatrabaho nang maigi kasi may kanya-kanya naman kaming dapat gawin.

“Para mas tahimik at mas maayos ang relasyon. Ang ganda na and ang swabe na ng takbo ng relationship, so parang ayaw naming i-take ang risk, okay na ng ganito, eh,” say ni Maja.

Kaya sa mga umaasa na magkakatambal sila sa serye o pelikula, well, malabong mangyari ito dahil tinuldukan na nila na huwag silang magsasama sa trabaho.

Natanong din si Maja kung happy ba siya for Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli na as we all know mga ex’s nila ni Gerald.

“Oo naman, let’s all be happy,” she said.

Ano naman ang reaksyon niya sa commercial ni Gerald with Kim Chiu?

 â€œAlam ko ‘yun. Ako, I’m very happy na magkatrabaho sila kasi ang dami nilang fans, eh. Para sa akin, sobrang importante na pagbigyan ‘yung fans kasi ang laki ng utang na loob nila sa mga fans. So, happy ako na okay silang magkatrabaho,” she said.

Hindi raw niya sure kung makakapanood si Ge­rald ng Maj: The Legal Performer dahil alam niyang busy ito sa Dyesebel. Pero kung sakaling hindi raw ay naiintindihan naman niya dahil talagang mas priority naman nila pareho ang trabaho.

Ang Maj: The Legal Performer ay produced ng Hills & Dreams Events Concepts Co, at ididirihe ni Mr. M with Marvin Querido as the musical director. Guests naman ni Maj sina Rayver Cruz, Enchong Dee, Enrique Gil, and Piolo Pascual.

We learned na halos sold-out na ang concert kaya hindi malayong magkaroon ito ng repeat.

vuukle comment

ANG MAJ

CRISTINA AGUILLERA

DREAMS EVENTS CONCEPTS CO

LEGAL PERFORMER

LEGAL WIFE

MAJ

MAJA

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with