^

Pang Movies

Marian nag-ala Marilyn Monroe

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-try ang ilang entertainment press sa launch cum presscon ng new dance show na Marian, na intrigahin si GMA Primetime Queen Ma­rian Rivera kung sinu-sino ba ang igi-guest niya sa kanyang dance show?  

Sagot niya kahit daw sino, basta free ang schedule nila at marunong sila talagang sumayaw, pwede.

May names na gusto silang banggitin pero say ni Marian, “next question, please.”  Pero kung si Marian ang papipiliin, sino ang gusto niyang i-guest?

“Si Mama (Amalia) sana, kasi kami po sa family, ay mahihilig talagang sumayaw, si Papa, si Mama,” sagot ni Marian. 

“Pero hindi po showbiz si Mama, gusto lamang niya sa likod ng kurtina, hindi siya mahilig pumiktyur.”

May nagtanong din kay Marian kung kaya ba niyang pantayan ang first special guest niyang si Batangas Governor Vilma Santos na inabot ng more than 20 years ang dance variety show nito na Vilma?

 â€œOne season po lamang ang pinirmahan naming contract ng manager ko sa dance show. 

“Tingnan po natin kung yayakapin ng mga televiewers ang show once na nagsimula na kami sa June 21.  Kung magugustuhan nila at ng GMA Network, kahit po may contract din akong gagawa ng isa pang soap sa GMA sa taong ito, bakit po hindi.  May soap na, may Marian at may Juan for All, All for Juan pa rin tayo sa Eat Bulaga.  Tamang scheduling po lamang, kakayanin ko.”

After the presscon, ipinakita ang isang mala-Marilyn Monroe dance number ni Marian na ipi-feature sa mga susunod na episodes, nakiusap siyang tulungan siyang mag-promote ng show dahil wala pa siya rito.  Sa June 24 pa sila makababalik sa bansa ng boyfriend na si Dingdong Dantes, from New York City.

Rak of Aegis hindi pinagsasawaan

Si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang sponsor sa opening night sa re-run ng musical play na Rak of Aegis sa June 20,  na matagal nang hinihintay ng mga gusto pang makapanood nito sa PETA Theater, na tatagal hanggang August 30. 

By that time siguro ay nalimutan na rin ang issue ng pagtanggi ni Mayor Herbert na mahalin ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil mas pinili niya ang kanyang mga anak.

Sa Saturday, June 21, si Quezon City Congressman Alfred Vargas ang nag-sponsor sa gabing iyon na malamang manood din ang mga kaibigang artista niya, like Iza Calzado. Hindi kami sure kung ito rin ang gabi na manonood ang magkakaibigang sina Ryan Agoncillo, wife Judy Ann at ang nali-link na sina Pop Princess Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.  Sa June 22, manonood naman si Senator Bam Aquino.

Hindi nakakasawang panoorin ang Rak of Aegis dahil nakakaaliw ang cast headed by Aicelle Santos, Isay Alvarez, Robert Sena, Kakai Bautista, Joan Bugat, Poppert Bernadas, at Jerald Napoles. 

May bagong papasok na members ng cast, sina Arnell Ignacio, Jimmy Marquez, at OJ Mariano. 

May ka-alternate na rin si Aicelle, si Kimverlie Molina. May show sila every Thursday ng 8:00 p.m.,  Friday to Sunday, 3:00 p.m. at 8:00 p.m.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

ARNELL IGNACIO

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

ISAY ALVAREZ

RAK OF AEGIS

SA JUNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with