^

Pang Movies

Ruffa mas bata ang gustong dyowa

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang years na ring loveless si Ruffa Gutierrez but  happy and beautiful as ever pa rin siya. Dahil sa mga anak niyang sina Lorin at Venice, life has to go on kahit wala pa siyang bagong partner in life na nahahanap. Pero sa ngayon, mukhang mas prefer na niya ang mas bata kaysa sa matanda bilang bagong inspirasyon. Inamin kasi nito sa kanyang guesting sa Aquino and Abunda Tonight that she finds older men “boring.”

“For me naman, it is compatibility, maturity. Hindi naman importante ‘yung age. As long as you think the same, and the same compatibility level, okay lang,” pahayag ng beauty queen na si Ruffa.

Mas feel niya raw ngayon ang much younger guy. “Mga matatanda boring eh!”

Ang kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas, ay mas bata sa kanya ng tatlong taon at ang dating nakarelasyon naman na si John Lloyd Cruz ay mas bata rin.

Pero sa ngayon daw ay wala pa siyang idini-date dahil priority niya ang mga anak at ang career subalit kapag may dumating ay hindi naman daw niya ito mapipigilan.

“No, no one yet officially. Kasi I’m so busy with it,” sey ni Ruffa patungkol sa pelikulang pinagbibidahan nila ngayon nina Sarah Geronimo at Coco Martin na Maybe This Time.

Coco natulala sa galing ni Sarah

Aminado si Coco Martin na kino-consider niyang isa sa memorable movie niya ang Maybe This Time kung saan kasama niya ang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo. Grabe raw ang naram­daman niyang kaba nang gawin nila ang mga eksena nila together, naging speechless daw siya at lagi niyang tinatanong ang kanilang director na si Jerry Sineneng kung okay na ba ang kanyang acting.

 â€œFeeling ko ako ‘yung hindi nakaarte. Na-surprise ako. After that, tinawagan ko agad ‘yung direktor ko. Sabi ko, ‘Direk, okay ba ako doon? Parang feeling ko natulala lang ako.’ First time ko na hindi ako nakapag-react. Siguro na-amaze lang talaga ako, hindi ko ine-expect na ganun ‘yung gagawin ni Sarah,” pahayag ni Coco.

Napansin din daw niya ang maturity ni Sarah as an actress mula doon sa dati nilang pinagsamahan na seryeng Idol  four years ago.

 â€œWala siyang plano [kung paano umarte]. Kasi kung may plano siya, rehearsal pa lang makikita ko na. Kaya nga nagulat ako kasi hindi ko nakikita kay Sarah ‘yun. Lalo na ako, artista ako, kumbaga natatantsa mo ‘yung co-actors mo. Ito na-surprise ako sa kanya,” sambit pa ng magaling na aktor.

Alam naman daw niya ang husay ni Sarah sa romantic-comedy film pero kakaiba na raw ang husay pa nito lalo ngayon.

“Magaling siya sa romance, magaling siya sa comedy pero hindi ko in-expect na ganito siya kagaling dito. Sabi ko nga ‘yung pundasyon, ‘yung pinagdaanan niya sa buhay, iba. Mas may hugot,” pahayag pa ni Coco.

Nang tanungin kung paano niya iri-rate ang pelikula nila nina sarah at Ruffa Gutierrez, sey ni Coco, “Proud ako. Ito yata ‘yung kauna-unahang pelikula ko na ang gaan ko lang. Siyempre hindi mawawala na may bali iyan, may drama. Pero ganun pala, totoo pala ‘yung nararamdaman mo, naaamoy mo kapag maganda yung pelikula mo.”

 

vuukle comment

AKO

COCO MARTIN

MAYBE THIS TIME

NIYA

PERO

RUFFA GUTIERREZ

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with